Chapter 24

53.6K 745 73
                                    

As promised. I did my part. So do your part, VOTE na! :">

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 24 : Cupid Julia

“Kath, sorry.” At napatingin ako sakanya.

Napatingin din si Kuya JC kay unggoy tapos sakin.

“Anong nangyari? Nag away ba kayo?” tanong nya sakin. Di ko nalang sila pinansin at dumiretso na ako at kumain.

Habang nakain, walang imikang nagaganap. Nung natapos na ako, bigla akong umalis at dumiretso sa kwarto.

Nakasalubong ko naman si Julia nung papataas ako, kaya hinigit nya ako sa kwarto.

“Bes. Makipag ayos ka na kay Daniel.” Sabi nya sakin nang dahan-dahan.

“Huh?” tanong ko naman.

“Sabihin mo sakanya kung bakit ka ganyan. Itanong mo kung anong meron sakanya nung ex nyang yon. Para naman maliwanagan ka. Pati na rin sya.” Actually, may point si Julia. Pero…

“Malalaman nyang… gusto ko sya.” Sabi ko nang mahina.

“Ayaw mo ba?” tanong nya.

“Ayoko baka masaktan lang ako. Kasi malamang, di nya ako gusto.” Sabi ko naman.

“Pano mo naman nasabing di ka nya gusto?” tanong nya. Aba obvious naman ang sagot dyan eh! Malang kasi isa lang naman akong nerd. Na hindi nababagay sa kanya. Bago ko pa masagot yun ay nagsalita na ulit si Julia. “Tssh. Pano ba to?” tapos nagkamot sya sa ulo. “Ah alam ko na! basta, ako bahala. Basta makipag ayos ka sa kanya ah! Bago tayo umalis dito sa resort dapat okay na kayo!” sabi nya.

“Pano –” napatigil ako nung bigla nyang tinakpan bibig ko.

“Ako bahala. Ge, una na ako. Bumaba ka na mamaya.” Tapos sabay ngiti nya tapos umalis na sya. Ano naman yun?

***

Bumaba na ako siguro mga 20 minutes after naming mag usap ni Julia. Tapos nakita ko sila sa lobby, so pumunta naman ako. Pero napansin ko, wala ata si Julia.

“Hey. Kath.” Si Kuya JC ulit.

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now