Chapter 10

62.5K 854 123
                                    

Chapter 10 : Someday We’ll Know That I was the One For You

                Nakalabas na si unggoy ng ospital kagabi. Well, di ko na nakita si Kaye after nun. Namiss ko nga yung batang yun eh.  Ah, Thursday na nga pala ngayon so may practice kami ng duet. Tsh. Saan? Sa bahay namin.

Kakatapos lang ng madugong klase ng Chemistry ngayon samin. Last class namin yon, so it means dismissal na, uuwi na. nooooooo! Makakasama ko si unggoy sa bahay.

“Kath! Tara na! Practice na.” sigaw ni unggoy mula sa pinto habang natulo laway sa kanya ng mga babae. Oy, totoo yun ah. tss, mga kadiri.

“Oo na. Tsh.” Sabi ko naman sabay suot ng body bag ko. At padabog na umalis. “Sige, Julia, una na ko. Bye, ingat ka.” Tapos kumaway na rin si Julia sakin.

Habang naglalakad kami palabas ng school, nakatingin halos lahat ng estudyante samin. Aaaah. Lagi nang ganito. Kaya ayaw kong sumabay kay unggoy eh. Center of distraction. Tss.

“Hoy. Napaka bagal naman talaga maglakad.” Tumigil pa talaga sya sa paglalakad at lumingon sakin.

“Aba? Aba? Sorry na, di kasi ako biniyayaan ng mabilis na paa eh.” Tapos ni-roll ko yung mata ko. Tssh, nakakainis talaga. Bakit ba ang sungit nito? Meron siguro.

Tumalikod na ulit sya tapos nagsimulang maglakad. Syempre ganun na rin ako. Sunod lang ako nang sunod sa kanya hanggang sa sakayan ng jeep. Syempre, dahil gentleman sya, nauna sya sumakay. Tsh. I super hate him talaga. Okay, nagiging conyo na ako.

So, masikip yung jeep, kaya naupo ako sa tabi nya. Grabe, sobrang sikip talaga. Bakit ba dito naisipang sumakay nitong unggoy na ‘to? Hilig siguro sa masikip, para makasabit. Dakilang unggoy talaga.

Bigla namang humarurot yung jeep. Super bastos, di pa ako ready! Kaya ayan, na-out of balance ako at napadaplis kay unggoy. Eww. May germs na ako ng kaungguyan. Nakuuu.

“Tsansing ka nerd ah.” sabi ni unggoy na mahina. Aba? Ang yabang naman neto. Parang napadaplis lang eh.

“Mayabang ka – aaaaah!” Bigla na namang prumeno yung jeep at napahawak na talaga ako kay unggoy kasi feeling ko malalaglag na ako. Sya naman nakakapit din sakin. Gaaash! Ang lapit naming sa isa’t isa. Napatingin ako sakanya, medyo nahiya ako at nakafeel na naman ng RCS at ng kabog ng drums sa dibdib ko. Ano naman yon? Bigla naman akong napabitaw kay unggoy nung may umubong babae sa harap namin.

Napatingin kaming dalawa at sabay kaming napasigaw.

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now