Chapter 12 [Side Story]

57.4K 607 74
                                    

Chapter 12 : Side story [ Julia / Diego ]

Hello! I’m Julia Montes nga pala! Bestfriend ko ang bida nitong kwentong to. At ewan ko ba kung bakit ako nagkaroon ng POV dito eh. Haha. Basta magkwekwento na lang ako! Chapter ko to eh. Hihi.

Naglalakad nga pala ako ngayon papunta sa school dahil medyo malapit lang naman yung subdivision namin sa school. Habang naglalakad ako, may narinig akong ingay sa may kanto.

“Hoy, ikaw taong nerd! Ang kapal naman ng mukha mong banggain ako!” napatakbo agad ako kasi, taong nerd daw. Baka si Bes yun!

Nakatalikod sakin yung taong bully, di ko tuloy makita yung sinasabi nyang nerd kasi ang lapad nya. Grabe! Susuntukin nya na dapat pero pinigilan ko sya.

“Hoy ikaw!” binato ko sya ng hawak kong karton na napulot ko kung saan man. “Ang kapal ng mukha mong mangbully! Ang yabang mo ah! Bakit mo minamaliit ang mga nerd?!” tuluy-tuloy kong sinabi yan habang pinapalo ko sya ng karton.

“Teka, ano ba?!” sigaw nya tapos napatigil naman ako kasi nakakatakot sya. “Bakit? Boyfriend mo ba yang nerd na yan, Miss?” Boyfriend? Huh? Wala naman akong boyfriend ngayon ah? Pati… hindi ba si Bes yung binubully nya?

Napatingin ako dun sa binubully nya…

Hindi si Bes! Ano ba naman yan Julia!

“Oh shit.” Napabulong ko. Ang bobo ko! Bakit di ko ba muna tiningnan bago ko hinampas tong malapad na lalaking to?!

Napatingin ako dun sa lalaking malapad, tapos dun naman sa nerd.

“Takbo!” hinablot ko na lang bigla yung kamay nung nerd tapos hinahabol kami nung malapad na lalaki. Pero ewan ko lang kung mahabol nya kami, sa bigat nyang yon?

After 679101 years, napatigil na kami sa 548545 kilometers run namin. Hingal na hingal ako. Ang layo kaya nang tinakbo namin. HELLO?

“Uhh.” Oh? May kasama nga pala ako! Napatingin ako sa tinitingnan nya, yung kamay namin! HAWAK KO PA PALA! Nakakahiya! Agad naman akong napabitiw. Tapos tumingin sa kabilang side. “Uh… t-thanks.” Bulong nya. Napatingin naman ako sa kanya tapos nakatungo lang sya. Ahhh. Ewan ko lang ah, pero nakafeel ako ng hiya. Parang umurong dila ko. Eh hindi naman ako ganito dati ah? Lagi kaya akong nambabara ng lalaki.

“Ah, o-okay lang.” sabi ko. Pano na ‘to? Nahihiya akong ewan. “Julia nga pala.” Sabi ko sabay abot ng kamay ko para makipagshakehands. Kinuha nya naman at nakaramdam ako ng kiliti sa tyan. HUH? Minumulto ba ako at merong kumikiliti sakin?

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now