Chapter 3

71.7K 844 88
                                    

Chapter 3 : Mr. Crush

                Nasa canteen kami ngayon ni Julia. Kakatapos lang ng diagnostic. Actually, madali siya, kasi lahat ng pinag-aralan ko kagabi nasa exam. Great. Nakakagutom, gusto ko ng spaghetti.

“May spaghetti ba?” tanong ko kay Julia na nasa harap ko ngayon. Favorite ko kasi ang spaghetti, pati na rin ang ice cream.

“Bakit? Di ka na naman kakain pag walang spaghetti?” tanong ni Julia habang naka-cross yung arms nya.

“Hindi.” Sagot ko. Totoo, spaghetti lang ang gusto kong kainin dito sa canteen namin. Abnormal ako eh.

“Hi Julia, hi Kath.” Napatingin kaming dalawa kay… unggoy. Boses palang amoy unggoy na.

“Anong kailangan mo? Magpapabili ka nu?” sabi ni Julia sa kanya. Epal talaga si unggoy, tamad pumila.

“Hindi ah. Namiss ko lang kayo. At, nga pala. Kath! Ang galing mo magturo, nasagutan ko lahat ng tanong kanina.” Sabi ni unggoy habang ang laki ng ngiti sa labi nya, as in kitang kita mo na lahat ng ngipin nya, pati yung sungki nyang ngipin. Pero kahit ganon, gwapo parin. Ayy. Mali. Scratched that. Mukhang unggoy, ang pangit!

“Oh? Tinuruan mo si DJ, Kath? Di mo manlang ako sinama.” Patampong-effect ni Julia.

“Siya pumilit sakin no.” sabi ko.

“At pag nasa A-lister ako ngayon, ililibre kita!” nagulat naman ako sa unggoy. Anong A-lister? In his dreams. Anong libre? Nakakaloko.

“Aba? Gumaganon ka na Daniel ah. A-lister?” gwapong boses. Oh. Si Mr. Crush pala. Waah. Napatitig na naman ako sa kanya. Ang puso ko malalaglag na, ang tyan ko punong-puno na ng butterflies.

“Oh, ikaw pala Albie. Magsasabi ka naman kung dadating ka para nakapaghanda si – tyiodf” bago pa siya magsalita, tinakpan ko bibig nya. Napakadaldal na unggoy. Epal talaga. Ergh. Tiningnan ko sya ng masama at tiningnan ko si Julia ng kausapin mo look.

“Oh! Hi Senior Albie,” simula ni Julia habang nangiti.

“Albie na lang.” sabi nya habang nangiti. Aaah. Nakakatunaw. Binitawan ko na si unggoy, baka mahawaan ako ng kaunggoyan.

“Tsh,” tumingin si unggoy sakin tapos tiningnan ko rin sya ng masama. Nilipat naman nya agad tingin nya kay Mr. Crush. “Oh, Albie? Anong kailangan mo?” tanong nya kay Mr. Crush. Wala talagang galang.

“Ah, sabi kasi ni Coach may training tayo mamaya.” Sagot ni Mr. Crush habang napansin ko na nakatingin sa kanya lahat ng babae sa canteen. I mean, sa kanila. Isama nyo na yung unggoy.

This Crazy Love (PUBLISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora