Chapter 31

49.8K 674 107
                                    

Vote and comment please! :) 

Medyo maikli po ito, pasensya. Kakagawa ko lang po nito eh, madami pa kasi akong gagawin kaya nagmadali ako. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 31 : Gisingin ang puso

Nadarama ko pa
Ang iyong mga halik na hindi ko mabura
Sa isip at diwa, tila naririto ka pa
Naririnig mo ba... mga patak ng aking luha
Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta
Sa bawat araw, bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko

 

“Daniel. Bitiwan mo ko. Nasasaktan ako!” binitawan nya naman ako.

“Kath. Di pwede to.” Di ko sya naintindihan… anong di pwede?

“Huh?” tanong ko.


Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito

 


“Di tayo pwede.” Ang sakit. Bakit? Bakit hindi kami pwede? Kasi di nya ako pwedeng mahalin? Kasi di nya ako kayang mahalin?

“Pwede mo naman sabihin na… di mo ako mahal eh.” Sabi ko, kahit ang sakit sakit, sinabi ko parin yun sakanya. Alam kong di naman nya ako mahal eh. Hindi nya ako matututunan mahalin. Di ko alam, naiyak na pala ako. Naiyak na ako sa harap niya. Kahit ayokong umiyak, involuntary na tumulo yung luha ko. Masakit eh.

“I’m sorry.” At ayun, parang nasasaksak yung puso ko nang ilang daang beses. Sabihin nyong exagg ako, pero totoo. Ang sakit. Pag tingin ko, wala na siya. Ang sakit. Iniwan nya ako. Wala na talagang pag asa tong walang kwentang puso ko sakanya. Ang sakit. Ilang beses ko na bang nasabing masakit?

 


Sana'y gisingin ang aking puso
Ngayo'y nangungulila
Sayong mga lambing at pagsuyo sinta
Ibabalik pa ba?
Kung wala nang pag ibig mong wagas
Sa bawat araw, bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko... 

 

Umalis na siya, umasa akong babalik siya. Ngayon, sakin. Pero hindi. Hindi sya bumalik. Bakit ko nga ba inexpect na babalik siya kung wala lang naman ako sa kanya.

Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
Sana'y Gisingin ang aking puso
Ikaw ang nasa isip ko

This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon