Chapter 2

76K 955 89
                                    

Chapter 2 : My life

                “Kath. Do you want to go with us?” si Mommy. Pupunta kasi sila ng Mall ng mga bestfriend nyang sila Tita Denn at Tita Lia. Hulaan nyo nalang kung anong gagawin nila. Magshoshopping syempre.


“Di na Ma, nag-aaral ako. May test ako sa Chemistry bukas.” Totoo, nag-aaral ako ngayon. Hobby ko na kasi ang mag-aral. Kung hindi ako nag-aaral, nagbabasa. O diba? Ang productive ng buhay ko?


“Oh? Okay. Gusto mo bang makasama si DJ and Julia for a group study?” For Julia, sure why not. But for DJ – also known as, unggoy – no thanks. Sabi ko nga sainyo, childhood friends kami. Pero kami ni unggoy, never. Childhood enemies pwede pa. Epal kasi yun. Ewan ko ba, siguro ginawa talaga yun ni Lord para maging kontrabida ng buhay ko.


“Urgh – ” sasagot sana ako pero biglang may tumawag kay Mommy sa baba. Sila Tita Denn ata. Napatingin si Mommy ganun rin ako. At nagulat na naman ako. Kasama ni Tita Denn yung unggoy!


“Oh. Nandito na pala kayo. Hi Dj.” Sabi ni Mommy. Si unggoy naman nagkiss kay Mom. Nagtaka kayo? Ganun lang talaga kaclose family namin. Pero siya? Di ko talaga matanggap na family friend yang unggoy na yan.


“Hi Tita. Hi Katkat.” Kadiri ka, unggoy ka. Pakitang tao pero deep inside, unggoy naman.


“Hi Tita Denn,” then I kissed her sa cheeks. “Hi ung – DJ.” Syempre muntik ko nang masabi yung unggoy.


“Hi Hija. Sumama si DJ sakin, kasi magpapaturo daw sya sayo sa test nyo bukas?” argh. Kukulitin lang ako nan at makikikain at uubusin ang ice cream ko sa ref. I hate him talaga. Epal!


“O sige, Kat, Dj, alis na kami ah. We’ll be back siguro mga 8PM.” Sabi ni Mom tapos umalis na sila. At naiwan ako kasama yung unggoy…


 “Bakit ka nandito?” sabi ko dun sa unggoy habang pabalik ako sa kwarto ko sa taas.


“Ang pangit mo talaga Watergirl. Tingnan mo itsura mo, kaya walang nagkakagusto sayo eh.” Ang mapang-insultong dila ni unggoy. Ergh. Tiningnan ko naman suot ko, normal. Pajamas na may mukha ni elmo, t-shirt na may print ng mukha ni elmo, at isang bathroom slippers na may mukha ni elmo. Syempre, yung buhok ko nakatali at nakasuot ng makapal na salamin. O? normal naman ah. Epal lang talaga ‘tong unggoy na ‘to.


“Pakielam mo. Bakit ka nga nandito?”  sabi ko sa kanya at nagsimula akong bumaba ulit sa hagdan para pumunta sa kitchen. Kakain ako ng ice cream. Uunahan ko sya.


“Di mo ba narinig si Mommy? Magpapaturo ako ng test sa Chem. Diba A-lister ka? At valedictorian pa! Wag mo kong tanggihan.” Actually, matalino rin naman ‘tong unggoy na ‘to. Actually, class B sya. Tamad lang talaga siya mag-aral. Pero ano ito’t nagpapaturo sakin? Niloloko ata ako nito eh.

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now