Chapter 22

55.3K 716 136
                                    

Vote and comment! HAPPY HALLOWEEN GUYS! :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 22 : We Could Happen

Pero…

Nagulat ako sa nakita ko. Oo, sobrang nakakagulat na parang ayoko nang sabihin sa inyo.

Kayakap ni unggoy si Senior Suzy! Oo, totoo. Yan ang nakikita ko ngayon. Masakit. Sobra. Di ko kinakaya tong nakikita ko kaya binalak ko na lang umalis. Tumalikod ako, pero sa pagtalikod ko, nakita ko naman ang isa pang demonyita sa harap ko. Si Senior Yen!

“Uyy! Ikaw pala yan! San punta mo huh?” tanong nya sakin. Kelan pa kami naging close?

“Uuwi na po.” Paalis na sana ako, pero bigla nya akong hinila.

“Naiyak ka ba?” tapos inangat nya mukha ko, pero yumuko parin ako. Pakielam ba nya?

“Di, ge. Alis na ko.” Tapos nagkaripas ako ng takbo papaalis.

Di ko alam kung saan ako pupunta. Basta ayoko pa umuwi. Ayokong may magtanong sakin kung bakit ako naiyak. Ni kasi sa sarili ko di ko alam kung bakit. Di ko alam.

Bakit ba napakasama ng ugali nung unggoy na yun? Di ba nya alam na nakakasakit sya ng ibang tao. Maybe, ako lang. Pero, diba? Sana manlang bigyan nya ako ng warning na sila na pala ulit nung girlfriend nyang yun, edi sana di ako umaasa pa. tapos bibigyan nya ako ng teddy bear??!

Teka… nasan nga pala yun?

PATAAAAAY! Naiwan ko!!!  Babalik ba ako or what?!

***

Tiningnan ko yung orasan, 5 na ng hapon. Bumalik ako sa mall, dun sa inupuan namin kanina. Pero wala yung teddy bear ko!! Nasan na yun?! Umikot pa ako sa mall, sa lahat ng napuntahan namin, pero wala talaga!

Kinuha ko naman yung cellphone ko sa bag… pero…

This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon