Chapter 9

60.8K 803 73
                                    

Chapter 9 : Chosen one [with epal moment of Ms. Author]

Hello Kathryn? Sino na bang tutulungan mo? Pwede ba? Excited na readers. Ang bagal mo mag-isip ah. Inabot ng 1565462 years.


Ms. Author, wag epal. Nag-iisip pa ako. Hm. Unggoy o Mr. Crush? WAIT! At the first place, bakit ba kasi ako napili? Pwede namang si Mr. Crush? Pero sabi kasi ng paa ko kay Mr. Crush, pero sabi ng utak ko kay unggoy pa. Pero kelan pa hindi nasang-ayon mga parte ng katawan ko sa isa’t isa? Abnormal na ako matagal na pero bakit mas naaabnormal ata ako?

Baliw ka na. Sabi ng utak ko? Aba? Nagsasalita na ngayon ang utak ko? HINDE. Hindi ako baliw no!

“Kathryn! Ano ba! Tulungan mo naman kami dito!” si Julia kasama yung ibang basketball boys na inaakay si unggoy. San sila pupunta? Paglingon ko sa kanan…

WALA NA SI MR. CRUSH. :(

Nasan na yun?

When nothing goes right… go left.

 


Go left? Kay unggoy? No way! Aalis na lang ako, hahanapin ko si Mr. Crush.

“Kathryn!” sumigaw si Julia, nakita ko sa mukha nya na parang kailangan nya talaga ng tulong ko. Napatingin naman ako kay unggoy. Wala siyang malay, maputla, matamlay… mukhang patay. Bakit? Bakit ganon? Ano bang nangyari exactly?

Sigh. No choice. But I need to.

“Doc, how’s Daniel?” si tita Denn, kasama nya si Mommy dito sa ospital. Nandito kami ngayon sa room ni unggoy – ako, si Julia, si Diego, si Mom at si Tita Denn at syempre, yung walang malay na si unggoy.

“He’s okay now. Nahimatay lang siya because of stress and over fatigue, he’ll be alright.” Sagot nung doctor.

“Over fatigue?” napatanong ko. Bakit? Ano bang ginagawa nitong unggoy na ‘to sa sarili nya? Bakit naman sya nahimatay sa stress at over fatigue?

“Ewan ko rin kung bakit, iha. Kasi late na siya lagi nauwi gawa ng basketball practices tapos pagdating sa bahay di na siya nakakain.” That’s why. Kaya pala payatot. Tss.

“Teka? Ano ba talagang nangyari? Pati daw yung captain nila ah?” tanong ni Mommy. Oo nga, anong nangyari?

“Eh kasi Tita, ganito yun,” simula ni Julia. “They were playing, na kay Senior Albie yung bola, tapos todo depensa naman tong kumag na ‘to.” Tinuro nya si unggoy. “Bigla namang tumakbo si Senior Albie pero nahimatay bigla tong si Daniel at natilapid sa kanya si Senior Albie, that’s why may pilay si Senior Albie.” Okay medyo malabo yung explanation nya, right? Tss.

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now