ShamEul- One

16.4K 208 28
                                    

Authors Note:

Napublished na ito under Rising Star Enterprise. Kaya kailangan ko ng magbura ng ilang chapter. Sana suportahan niyo din ang book ng Magkabilang Mundo. Salamat.

Available at 7-eleven, Pandayan, National Bookstores, Expressions & in all leading book stores and newsstands nationwide. P149.00

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

ShamEul- One
 
Ang aga kong nagising ngayon araw na 'to. Dahil may lakad kaming magpipinsan. Napagkasunduan namin na pupunta kami sa lumang bahay ng lolo at lola namin sa probinsya para dun kami magbakasyon.
 
Nag ayos na ako ng mga gamit na dadalhin ko ng mag ring yung phone ko.
 
CALLING ARAIL.....
 
"Hello pinsan" bungad ko sa kanya pag kasagot ko ng tawag nya.
 
[HOY EUL CYRUS  ASAN KANA BA? KANINA PA KAMI NAGHIHINTAY DITO SA BAHAY, SINABING MAAGA MO KAMING SUNDUIN DITO!!" grabe pag kasalita pa lang nya agad ko ng nilayo yung phone sa tenga ko. Hindi na kailangan iloudspeaker sa lakas ng boses ng pinsang kong yun.
 
"Anong maaga? Maaga pa naman ha, usapan 8am ako pupunta dyan para sunduin ko kayo, 7am pa lang naman" sabi ko sabay tingin sa alarm clock ko. Yun din naman talaga ang napag usapan namin. Yung tatlo kong mga pinsan, dun na dederetso kina Arail, dahil halos magkakalapit lang sila ng bahay. Bahay lang namin ang medyo malayo sa kanila. "Wala pang 30minutes eh andyan na ako"
 
[ANONG 8AM? NAG TEXT AKO NA 6AM MO KAMI SUSUNDUIN DAHIL MALAYO NGA YUNG PUPUNTAHAN NATIN KAYA KAILANGAN MAAGA TAYO, PARA HINDI ABUTIN NG TRAFFIC AT GABIHIN SA DAAN!!] hindi ba siya nagsasawang sumigaw?
 
"6am ba? bakit wala akong narecieve na text galing sa'yo?" pagsisinungaling ko, kasi kapag sinabi kong meron, siguradong sigaw na naman ang abot ko sa pinsan kong yun. Ngayon ko lang din naman nabasa yung text nya. Dahil maaga nga akong nakatulog kagabi.
 
[Ok. sige na bilisan mo na lang, bagal mo pa naman kumilos] 'Tss, akala mo siya mabilis kumilos' .
 
"Ok sige na paalis na ako, babye na" paalam ko naman sa kanya
 
END OF CALL
 
Nang matapos na kaming magusap, agad ko ng inayos ulit yung iba ko pang mga gamit. Baka kasi may mga nakalimutan pa ako. One week din kaming mag i-stay dun sa probinsya. Anim kaming magpipinsan ang magbabakasyon, dahil nga sembreak naman.
 
Agad na akong lumabas ng kwarto ko at dumeretso sa room nila Mommy at Daddy para magpaalam na.
 
Tok...tok...tok...
 
Pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses, dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto nila. Hindi naman kasi sila nag la-lock, pero syempre hindi din naman ako pwedeng basta basta na lang napasok no. Baka mamaya gumagawa na sila ng kapatid ko.
 
"Mom, Dad" tawag ko sa kanila, pagkapasok ko ng kwarto.
 
"Oh baby, why are you still here, akala namin ng Daddy mo nakaalis kana, kasi sabi sa amin ni Arail maaga ang alis niyo." si Mom
 
"Hindi ko po kasi nabasa yung text niya sakin. Kaya akala ko po 8am pa din ang usapan namin." paliwanag ko kina mommy at daddy. "Alis na po ako, baka nausok na yung ilong ng mga pinsan ko. Lalo na si Arail. Bye mom, bye dad" Paalam ko, sabay kiss sa cheek nilang pareho.
 
"Sige na, ingat sa pagdadrive hijo" Dad
 
Tumango na lang ako. Nagmamadali na ding bumaba at lumabas ng bahay, dumeretso na ako sa sasakyan.
 
After 15mins., nakarating na ako sa bahay nila Arail.
 
"Sus ang aga mo Eul Cyrus." Bungad nya agad sakin ng makalapit na ako sa kanya. Sabay lakad naman niya palapit sa kotse.
 
"Guys tara na, pasok nyo na yung mga gamit natin dito sa kotse!!" Tawag ni Arail sa iba pa naming mga pinsan, habang hawak yung pintong nakabukas.
 
Agad din naman silang naglabasan sa bahay, na may mga dalang bag.
 
Nakita ko naman si Nico na palapit sakin "Tsss, antagal mo bro, kanina pa nausok yung ilong ni Arail, hahaha"
 
"Ok lang yun hahaha, parang hindi pa tayo sanay dyan, ganyan ata kapag tumatanda mabilis uminit ang ulo, hahaha" sabay na kaming naglakad palapit sa iba.
 
Sa aming anim na magpipinsan si Arail ang mas matanda . Dalawang taon lang naman, pero hindi namin siya tinatawag na ate dahil mas mukha pa daw kaming matanda sa kanya.
 
 Nang matapos na namin ilagay lahat ng mga bag at iba pang mga gamit sa sasakyan, agad na din kaming umalis.
 
-----
 
On the way na kami papuntang cavite ng magsalita na naman si Arail.
 
 "Oi  Eul Cyrus baka gusto mo naman eh, medyo bagalan yung pagdadrive mo, baka sa bilis ng takbo ng sasakyan, imbis na sa bahay bakasyonan tayo pumunta, sa bahay pagamutan ang deretso natin dahil nabangga na tayo".
 
Kahit kailan talaga ako na lang laging nakikita nitong pinsan ko na'to. Pero kahit ganyan siya sakin, magkasundo kaming pareho. Yun nga lang talagang mahilig lang siyang pumuna sa mga bagay bagay, in short, pakialamera.
 
Nakapwesto siya sa passenger seat at 'yung tatlo ko naman pang mga pinsan sa backseat. Dalawa lang kami ni Nico na lalaki.
 
"Hahaha, ano kaba Arail, pasalamat pa tayo kung sa hospital pa tayo babagsak kapag nabangga nga tayo, pano kung deretso na tayo sa morgue." Pang asar namang sabi ni Nikki na nasa backseat.
 
"Gago ka Nikki ha, wag kang magsalita ng ganyan baka mamaya nyan maaksidente talaga tayo!" Sigaw naman sa kanya ni Aira. Sabay nag sign of the cross.
 
"Tsk..ang ingay nyo, hindi ako makatulog." Si Mylene na natutulog, antokin kaya laging tulog. "Ayosin mo na nga pagdadrive mo pinsan, para manahimik na yang dalawang yan, at makatulog na din ako." Sabay sandal nya sa balikat ni Nico.
 
Nasa gitnang pwesto si Nico sa backseat, si Aira naman sa left side at right side naman si Mylene. Si Nikki naman katabi ni Aira.
 
"Oo na aayusin ko na pag dadrive ko, akala ko kasi nagmamadali tayo." Kaya medyo binagalan ko na ang takbo.
 
"Baka sa kakamadali mong mag drive, pati buhay natin mapadali, kaya ayosin mo na lang, tsk." Arail 'Talagang lagi na lang may sinasabi'
 
Hindi na ako nagsalita pa, dahil siguradong may sasabihin naman itong katabi ko. Kaya nag focus na lang ako sa pagda drive.
 
Ilang oras lang ang nakalipas, narating na din namin ang rest house nila lolo at lola.
 
"Guys gising na andito na tayo" Tinapik ko sila isa isa, apat silang natulog sa byahe samantalang ako gising para lang ipagdrive sila papunta dito.
 
"Bakit parang ang bilis naman natin nakarating?" si Nico "Parang saglit lang yung tulog ko" pupungas pungas pa nyan dugtong.
 
"Hahaha baka pinalipad ni Cyrus yung sasakyan, hindi natin namalayan dahil mga tulog tayo" Masayang sabi ni Nikki. "Pero at least Arail ha, nakarating tayo ng buhay pa, at hindi sa morgue tayo dumeretso" Baling naman nya kay Arail.
 
"Tsk..tara na, bumaba na tayo." Yaya naman ni Mylene "Nang makatulog na ulit."
 
Kaya nagbabaan na kaming lima ng sasakyan. Andito kami ngayon sa harap ng malaking gate ng bahay.
 
"Bakit parang walang tao Arail? Alam ba nila na dadating tayo ngayon?" Tanong ni Aira habang nakatingin sa may gate. Mataas ang gate ng bahay nila lolo. Pero kita din naman mula sa labas ng gate ang loob ng bakuran.
 
"Try mong magdoorbell kaya Mylene, ikaw malapit dyan oh" Ako, sabay turo dun sa may doorbell na malapit sa pwesto nya.
 
Kaya agad nya din naman pinindot. "Hindi naman ata nagana yung doorbell." si Mylene na tuloy pa din sa pagpindot sa doorbell.
 
"TAO PO!!!!!" Gulat kaming napatingin kay Nikki, nang bigla syang sumigaw ng malakas.
 
"HOY!!! SINONG NASIGAW DYAN?!!" Sigaw din ng isang matandang lalaki na papalapit sa may gate.
 
"Magandang hapon po manong, kami po yung mga apo nila lolo Gerry at lola Rosa" Pagpapakilala ko sa matanda ng lumabas na siya mula sa loob ng bakuran. Siya siguro ang katiwala ng bahay. Dahil matagal na ding wala dito sa bansa sila lolo at lola.
 
"Ah kayo ba yung magbabakasyon dito ng isang linggo?" tanong nya sa akin.
 
"Opo kami po yun" Maiksing sagot ko.
 
"Aba eh ano pang gingawa nyo dyan, pumasok na kayo" tuluyan nya ng binuksan yung malaking gate. "Ako nga pala ang katiwala ng lolo at lola nyo. Tatay Jess na lang ang itawag nyo sa akin."
 
"Ah gnun po ba, sige po. Sumabay na kayo kay tatay Jess, papasok ko lang yung sasakyan." Baling ko naman sa mga pinsan ko.
 
Nauna na silang pumasok sa bakuran. At sumakay na din ako ng sasakyan para ipasok na din sa loob.
 
Dahan dahan lang ako nagdrive papasok, pinagmasdan ko mabuti ang bakuran. Habang nagdadrive ako.  may nakita akong malaking puno na umagaw sa atensyon ko. Dahil iyon lang ang naiiba sa lahat ng puno na nakatyo dun.
 
Huminto muna ako, at pinagmasdang mabuti yung puno. Hindi ko alam kung anong tawag sa puno na yun, basta malaki sya at mayabong ang mga dahon. Pagkatapos kong pagmasdan ang puno, nagtuloy na ulit ako sa pagmamaneho.
 
Pagkatapos kong magpark ay bumaba na ako, Lumapit na din ako sa kanila para ipakuha na din ang mga gamit sa loob ng sasakyan.
 
"Guys tara muna, kunin na natin yung mga gamit" Yaya ko sa kanila. Agad din naman silang sumunod sa akin.
 
"Sige mga bata sumunod na lang kayo sakin sa loob para maituro ko na din yung magiging silid nyo." Tatay Jess. Pumasok na din siya sa loob.
 
"Mga pinsan anlaki pala ng bahay nila lolo no, kaso lang parang tulad dun sa napapanood kong mga horror movie,haunted house lang ang peg, hahaha" Sabi ni Nikki habang kinukuha namin yung mga gamit namin sa loob ng sasakyan."Hindi kaya may mumu talaga dito? tingnan nyo oh may puno pang malaki, diba ganyan yung mga napapanood natin.?" sabay turo nya dun sa puno na hinintuan ko kanina. "Tas may lalabas na kapre o tikbalang"
 
"Tumigil ka nga Nikki, puro ka kalokohan, kaninang umaga ka pa ha." Saway naman ni Mylene sa kanya.
 
Nang makuha na namin lahat ng mga gamit namin. Agad na din kaming sumunod kay tatay Jess papasok sa loob ng bahay. Nauna na silang apat na naglakad sakin. Bago ako pumasok sa bahay, huminto muna ako saglit at tiningnan ang punong tinuro ni Nikki.
 
'Tsk...hindi naman mukhang nakakatakot, hilig kasing manood ng mga horror movies'
 
Pumasok na din ako sa loob ng bahay.
 
"Tara na mga bata sa taas, ituturo ko na sa inyo yung magiging kwarto nyo. Bale dalawang kwarto lang naman ang gagamitin nyo"
 
Naglakad na  siya paakyat at sumunod na din kaming lima. Habang naglalakad kami, nilibot ko yung paningin ko sa loob ng bahay. Ang tahimik nang palagid. Dahil siguro mag gagabi na.
 
"Eto ang magiging silid nyo mga ineng." Turo ni tatay Jess sa isang kwarto at binuksan nya. May tatlong single bed na tama lang para sa tatlong katao. Malaki at maaliwalas ang buong silid. Kulay puti ang pintura.
 
"Dun naman tayo sa katabing silid mga totoy" Lumabas na din kami sa kwarto nila Arail at nagtuloy sa magiging kwarto namin ni Nico.
 
"Eto naman ang sa inyong dalawa. Maayos na din tulad sa mga babae" Tatay Jess habang binubuksan ang pinto.
 
Nakita ko ngang maayos din, at maaliwas pag bukas. Pumasok na din kaming tatlo. Maganda din ang kulay, light blue ang pinturang ginamin. May dalawang single bed din na nakalagay.
 
May nakita akong bintana na malapit sa isang higaan.
 
"Nico dun na lang ako" turo ko dun sa isang single bed na malapit sa bintana.
 
"Sige, ako na lang dito malapit sa pinto" Nico
 
"Ah mga totoy, paalala ko lang ha, wag na wag nyong bubuksan ang bintana na yun." turo ni tatay Jess sa bintana na malapit sa higaan ko.
"Bakit naman po tay Jess? May mga hayop po bang napasok dun sa bintana na yun?" Tanong naman ni ni Nico
 
"Walang napasok na hayop o ano man, basta sundin nyo na lang yung sinabi ko. O siya mga totoy bababa na ako para magluto ng hapunan natin." Pagkasabi niya, lumabas na din agad siya.
 
"Tingin mo bro bakit ayaw ipabukas yung bintana na yun?"
 
"Ewan ko, hayaan mo na eh di wag buksan" Sabi ko at pabagsak akong humiga sa kama. "iidlip lang ako saglit bro, gisingin mo na lang ako kapag kakain na ha? napagod ako sa byahe, samantalang kayo mga natulog lang."
 
"Sige tulog ka muna, punta muna ako dun sa kabilang kwarto" Tumayo  siya at lumabas na.
 
Ilang saglit lang naramdaman ko ng bumibigat ang dalawa kong mata. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
 
"Huu...huu..huu"
 
[O_O]
 
Nagising ako sa ingay na narinig ko. Parang umiiyak na babae. Pagtingin ko sa katabing higaan ko, nakita ko na natutulog na si Nico. Hindi nya na siguro ako ginising para kumain. Dahil sa pagod, kaya naman napasarap ang tulog ko.
 
"huu..huu..huu"
 
Narinig ko ulit yung pag iyak ng babae kaya agad akong bumangon. Baka isa sa mga pinsan kong babae yung umiiyak, kumuha muna ako ng jacket bago lumabas dahil medyo malamig. Palabas na sana ako ng kwarto ng marinig ko ulit yung mahina nyang iyak.
 
"huu..huu..huu.."
 
Nang marinig ko ulit 'yun. Alam kong hindi nangagaling sa kwarto nila Arail. Kundi sa labas ng bintana na malapit sa pwesto ng higaan ko.
 
"huu..huu..huu"
 
Lumapt ako agad sa bintana para buksan at makita kung sino ang naiyak.
 
Pagbukas ko, tumingn ako sa may baba. Hindi ko agad makita kung may tao ba o wala kasi madilim, hindi naman sobrang dilm, dahil my konting liwanag na nanggagaling mula sa ilaw ng bahay. Pero hindi sapat para makakita agad sa madilim na bahagi ng bakuran.
 
Nang medyo nasanay na yung paningin ko sa madilim na bahagi ng bakuran. May naaninag akong babae. Alam kong babae yun dahl sa suot nyang white dress.
 
"huu..huu..huu"
 
Narinig ko na naman yung iyak nya. Hind na ako nagdalawang isip kung bababa ba ako o hnd. Dahil pagkaring ko ulit siyang umiyak, dali na akong lumabas ng kwarto.
 
Baka kasi kung napano na yung babae dun, at medyo madilim pa. Paano kung may gumawa sa kanya ng hindi maganda. Kaya naging lakad takbo ang ginawa ko.
 
Ilang saglit lang ay nakalabas na ako ng bahay at hinanap yung babae.
 
"huu..huu..huu."
 
Agad akong lumapit sa kanya nang makita ko siya malapit sa malaking puno.
 
"Miss..." Mahinang tawag ko sa kanya.
 
"Huu..huu..huu" tuloy nyang iyak.
 
Kaya lumapit pa ulit ako sa kanya ng kaunti.
 
"Miss ok ka lang ba? may nangyari ba sayo? kasi narinig kitang umiiyak" Tanong ko ulit, habang nakatayo ako malapit sa kanya.
 
Pinagmasdan ko naman siyang umiiyak habang nakatalikod sa akin.
 
Matangkad siya, siguro nasa 5'5" ang height nya, Dahil hindi naman kami nagkakalayo ng height. May mahaba siyang itim at kulot na buhok.
 
"M-Miss.." mahina ko ulit na tawag sa kanya.
 
Bigla naman siyan tumigil sa pag iyak sa huling pag tawag ko sa kanya. Nanatili pa din siyang nakatalikod sakin.
 
"M-miss o-ok ka na ba?" muling tanong ko. Siguro nakulitan na sya sa katatanong ko kaya tumigil na kaiiyak.
 
"Oo, ok na ako  kasi dumating kana." mahinang usal niya.
 
Nakaramdam naman ako ng lamig sa paligid dahil biglang humangin, tiningnan ko ulit siya at nanatili pa din siyang nakatalikod sakin.
 
"Hmm, m-miss malamig na dito at medyo madilim pa, kung gusto mo pumasok muna tayo sa loob ng bahay o kung nahihiya ka naman, ihahatid na lang kita kung san ka nakatira." Nakatayo pa din ako sa likoran nya.
 
Bigla din siyang gumalaw at humarap sakin. Pilit kong inaaninag ang mukha niya. Dahil nga   madilim hindi ko din makita.
 
"Miss anong ginangawa mo dito? madilim at malamig pa, gusto mo ihatid na kita sa bahay nyo?" Tanong ko ulit
 
Tanging iling lang ang sagot nya. Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita.
 
"Samahan mo lang ako dito." mahinang bulong nya ulit.
 
Dun ko lang napansin ang boses nya, ang ganda, parang isang anghel, pero ramdam mo na may lungkot sa tono nito. Nanatili pa din kaming nakatayo sa harap ng malaking puno.
 
"CYRUS!!!..... CYRUS!!!.... CYRUS!!!"
 
Narinig kong may tumatawag sakin mula sa loob ng bahay.
 
"Hmmm...m-miss tara sumama ka muna sakin sa loob, malamig na dito baka magkasakit ka pa" sabi ko sabay abot ng kaliwang kamay ko.
 
"Sige umalis ka muna, dito lang ako" pagkasabi nya nun, bigla na lang siyang tumalikod ulit.
 
"Ahh sige, saglit lang ha, babalikan kita. Ito nga pala yung jacket ko, malamig dito baka lamigin ka." hinubad ko na yung jacket at ipinatong sa may balikat nya. "saglit lang ha."
 
Naglakad na ako palayo sa may puno ng marinig ko ulit siyang nagsalita.
 
"Hihintayin kita, maghihintay ako sayo. Sasamahan mo ako hindi ba?" ang lungkot ng boses nya habang sinasabi nya yung mga salitang yun.
 
"Sige miss sasamahan kita, wag ka lang malungkot, hintayin mo lng ako dito." ako.
 
Tumakbo na ako pabalik sa loob ng bahay nang makasalubong ko si Arail.
 
"Saan ka ba galing? pinuntahan kita sa kwarto nyo para gisingin ka at ng makapag dinner ka na, pagtingin ko wala ka." Arail
 
"Sa labas, may sinilip lng" maikling sagot ko.
 
"Ok, tara kain tayo nagugutom na naman ako" alok nya sakin.
 
"Sige susunod ako, may kukunin lang ako saglit sa labas." Babalikan ko yung babae para yayain din siya dito kumain. Baka nagugutom na din.
 
Pagbalik ko dun sa may puno. Wala akong nakitang babae, 'Asan siya? sabi nya hihintayin nya ako' Lumapit pa ulit ako sa may puno ng may naramdaman akong natapakan na malambot na bagay. Jacket ko.
 
'Bakit naman nya iniwan yung jacket ko dito' pinulot ko na lang at bumalik na din sa loob ng bahay.
 
 
Pagkatapos namin mag  midnight snack ni Arail. Umakyat na kami sa kanya kanya namin kwarto para matulog na.
 
'Sino kaya yung babae na yun? sabi nya hihintayin nya ako,tapos siya naman pala ang umalis. Bakit kaya siya umiiyak?'  Tumayo muna ako at nagtungo sa  bintana at binuksan ito. Dun ko lang  napansin na katapat pala ng bintana ang punong malaki kung saan kami nakatayo ng babaeng naiyak. Inaninag kong mabuti yung madilim na bahagi ng puno, nagbabakasakali na baka bumalik siya. Ngunit wala akong nakita. 'Siguro umuwi na yun sa kanila'
 
Nagpasya na lang akong matulog na lang ulit.
 
----
 
 Pangatalong gabi na namin ngayon dito sa cavite.
 
Andito kaming lima sa veranda sa pangalawang palapag ng bahay. Dito na kami tumambay simula kagabi, pagkatapos kumain ng hapunan.
 
"Grabe nakakapagod pala mamitas ng mga mangga pati santol." Nikki habang nag e-stretching na akala mo talagang napagod.
 
"Pano ka naman napagod eh nakatayo ka langg don at naghihintay na may bumagsak na bunga" Mylene.
 
"Tsk.. napagod siya kamo kakapulot hindi kapipitas" Arail na kumakain ng pringles.
 
"Bro kamusta nga pala yung babaeng nakilala mo nung isang gabi? nagkita ba ulit kayo kagabi?" Pag iiba ng usapan ni Nico.
 
Naikwento ko sa kanya yung nangyari nung isang gabi na may nakita akong babaeng umiiyak.
 
"Hindi ko na siya nakita, yun lang gabing yun. hindi na siguro sya babalik" Parang may konti akong kirot na naramdaman sa dibdib ko, sa huling mga salitang sinabi ko. 'Sana bumalik siya'
 
Hindi ko mantindihan kong bakit pero yun yung naramdaman ko, umaasa na ako na makita ulit siya.
 
"Pinsan baka naman natakot sayo kaya hindi na bumalik" Si Mylene, habang nag yoyosi.
 
"Ano ba Mylene! dun ka nga bumuga!" Sigaw sa kanya ni Nikki "Pinsan, hindi kaya white lady lang yung nakita mo?" sabay baling naman nya sakin.
 
"Tsk..meron paba nun sa panahon ngayon?" Sagot naman ni Aira na naglalaro ata sa phone nya.
 
"Ano ka ba Aira meron pa yun no, imagine sa may puno nya nakilala, kaya malamang white lady yun." Nikki
 
"Taena ka naman Nikki, nasa puno lang white lady na? hindi ba pwedeng tumambay lang saglit dun o kaya dun yung tagpuan nila?" Arail
 
"Hahahaha, oo nga naman, ikaw kung ano ano ang napasok sa utak mo, tigilan mo na yang kanonood ng mga horror movies" Nico
 
"AWWWOOOOOOOOOOO"
 
Nagkatinginan kaming lima, nang biglang...
 
"Ahhhhhhhhh" simigaw si Mylene.
 
"Ano ba Mylene bakit ka biglang sumigaw? may umatungal lang na aso sumigaw ka na!" Sigaw ni Arail, kahit kailan ang hilig sumigaw.
 
"Eh kasi naman may ipis na dumapo sakin!" sagot niya habang nagtatalon.
 
"Naku tama na nga yan pasok na nga tayo sa loob" yaya ko na sa kanila. Una na akong naglakad papasok sa loob at dumeretso sa kwarto.
 
"Tulog na ako bro napagod ako kanina, good night matulog kana din wag mo ng isipin yung sinasabi ni nikki" Nahiga na si Nico.
 
Hindi ko naman iniisip yung mga sinabi ni Nikki kanina, ang iniisip ko ngayon kung makikita ko pa ba siya. Sinilip ko si Nico kung tulog na.
 
Tumayo ako at lumapit sa bintana. 'Sana makita ko siya pagbukas ko nito' mahinang dasal ko.
 
Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit naasam ako na makita ko ulit siya. Pero umaasa ako na sana pagbukas ko ng bintana siya na agad ang makita ko.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora