ShamEul- Fourteen [flashback]

3.6K 68 3
  • Dedicated to Sandrel Espina Barra
                                    

NIKKI POV

Nandito pa din kaming apat sa sala ng lumang bahay. Hinihintay namin magumpisang magsalita si Tatay Jess. Pero tila nag aalinlangan pa siyang magsabi sa amin ng mga nalalaman nya.

"Tay alam nyo po bang nagmumulto si Shamy sa bahay na'to?" Nico.

Tumango naman bilang tugon si Tatay Jess.

"Kailangan pa po ba namin magtanong isa isa o kusa na lang po kayong magkekwento ng mga nalalaman nyo tungkol sa mga kababalaghang nangyayari dito sa bahay nila Lolo't Lola." Tila may pagbabantang usal ni Nico. Kaya naman bigla ko siyang tiningnan ng masama.

"Para kang tange, ano ka pulis? Baka mamaya hindi na mag kwento yang si Tatay Jess sa mga nalalaman niya." Saway ko kay Nico. "Pasensya napo kay Nico, dumali na naman pagka abnormal niyan eh. Sige po Tatay Jess sabihin niyo na lahat ng tungkol dito sa bahay. May karapatan din naman po siguro kaming malaman 'yun, dahil apo naman po kami ng may ari ng bahay na 'to" muling usal ko, sa tonong nakikiusap.

"Nung nakilala ko lang si Shamy nung araw na yan" turo niya sa litrato. "Dahil nung araw na yun lang din ako nakapunta dito sa bahay, kulang kasi ng tao na tutulong para sa gaganaping handaan. Habang natulong ako may naririnig na akong hindi maganda tungkol sa babaeng yan."

FLASHBACK

TATAY JESS POV

"Anong ginagawa nung babae na yan dito?" usal ng matabang babae na taga luto.

Hinanap ko naman yung babaeng tinutukoy nila, may nakita akong babaeng nakikipag laro sa anim na mga bata. 'Marahil siya ang tinutukoy ng dalawang chismosa na 'to' sa isip ko. Dahil doon ang direksyon ng tingin nila at tanging nag iisang babae lang siya sa pwesto na yun bukod sa dalawang batang babae na kalaro pa niya.

"Hindi ko alam, baka pinapunta ni Madam Rosa. Malapit kasi yung mga bata sa babaeng yan." Dinig kong sagot naman ng isang babae, naghihiwa siya ng mga pang rekado.

Ako naman natulong sa pag hihiwa ng karne ng baboy na kinatay namin kani-kanina lang. Ayoko man makinig sa usapan nila, pero sadyang hindi ko maiwasan, dahil sadyang malakas sila maghuntahan.

"Hindi ba alam ni Madam yung nakalat na balita sa bayan tungkol sa pamilya ng babaeng yan?" Taga luto.

"Anong balitang nakalat Katring?" Tanong naman nung kausap niya na bakas ang pagtataka.

"Mga mamatay tao daw pamilya nila. Mga inuupahan para pumatay, kapag napatay na nila yung target, dun sila babayaran ng malaking halaga" Pabulong niya pang usal. 'Bubulong na lang dinig din naman namin'

"Hala, totoo ba yang inuusal mo Katring, baka mamaya mapahamak ka sa kadaldalan mo." Babala nya. Tapos tumingin tingin sa paligid.

"Totoo yun Bebang, kaya nga ilag yung pamilya nila sa mga tao dito sa lugar natin, Mantakin mo dun pa sa liblib na lugar sila nakatira para hindi sila matunton ng mga pulis." Bulong nya ulit.

Si Aling Katring pala yung taga luto, at si Aling Bebang naman yung naghihiwa ng mga rekado.

 "Naku mahirap magparatang ng ganyan sa isang pamilya. Lalo na at walang katibayan" Kontra naman sa kanya ni Aling Bebang.

Hindi ko na naintindihan ang iba pa nilang pinaguusapan. Dahil tinawag ako ng aking Tiyuhin para hugasan daw yung mga laman loob ng baboy. Nang kanyang maipaluto sa kusinerang si Aling Katring.

Si Tiyo Sandy ang tagapamahala dito ng mga kasambahay. Siya din ang pinagkakatiwalaan nila Madam Rosa at Senyor Gery. Siya din ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon para magtrabaho.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now