ShamEul- Eleven

3.4K 82 12
                                    

Nagising ako ng maramdaman ko yung init mula sa sinag ng araw na nangagaling sa bukas na bintana.

'Napasarap pala ang tulog ko, dahil siguro sa pagod at puyat ko kahapon' Babangon na sana ako ng maalala ko yung phone ko kung saan ko nailagay. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung anong oras na. 'Lowbat pa' asar na usal ko sabay hagis nito sa kama.

[O_O]

Gulat kong reaksyon. 'Nasaan ako?' mahinang usal ko. Pinagmasdan kong mabuti ang paligid kung nasaan ako ngayon. 'Paano ako napunta dito?' Dahil ang natatandaan ko, sa lumang bahay nila lolo't lola ako dumiretso kagabi. At isa pa, nagkausap pa kami ni Nico sa phone kaninang madaling araw.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang may pumasok na babae.

"Mabuti naman Eul Cyrus gising kana." malumanay nyang saad. Pinagmasadan kong maigi ang babae nasa harap ko.

"Shamy?" Di makapaniwalang tawag ko sa pangalan nya.

"Ako nga Eul" Masayang usal nya sakin.

"Pero, paanong napunta ako dito?" Litong tanong ko sa kanya.

"Nakita kasi kita kagabi na walang malay, ipapasok sana kita sa bahay ng lolo at lola, kaso sarado. kaya nagpasya akong dalhin na lang kita dito sa bahay namin" munting paliwanag pa nya.

Lalo naman akong nalito sa sinabi nya. 'Panong nangyari yung makita nya akong walang malay? Ang natatandaan ko nasa kwarto na ako ng lumang bahay nakahiga para matulog na' Kinapa ko yung duplicate key sa bulsa ng pantalon ko. Andoon pa din naman. 'Hindi nya siguro kinapa sa bulsa ko, sabagay malay naman niya kung may susi ako sa bulsa.'

"Maaring wala kang matandaan Eul. Hayaan mo ikwento ko sa iyo yung nangyari" Usal nya. Naupo naman kaming dalawa sa kama.

Nagumpisa na siyang mag kwento kung paano ako nakarating dito.

F L A S H B A C K

SHAMY POV

Pagkatapos akong ihatid ni Eul sa dating pinaghatiran nya sa akin. Naglakad lang muna ako ng ilang metro, na hindi nya ako napapansin na nakatayo lang. Hanggang umalis siya dala ang sasakyan.

Nagpasya muna akong maglalakad lakad dahil hindi pa ako inaantok. Hindi ko namalayan na nakabalik pala ako sa lumang bahay. Didiretso na sana ako sa may puno ng matanaw ko siyang nakahandusay sa unang baitang ng hagdanan sa harap ng bahay. Kaya mabilis ko siyang nilapitan. At naamoy ko naman na amoy alak siya.

Nagpasya akong akayin siya papasok ng bahay. Pero paglapit ko sa pinto at bubuksan na ito. Hindi ko ito mabuksan. Kaya nagpasya akong dalhin ko na lang siya sa bahay namin

END OF FLASHBACK

-----

EUL CYRUS POV

Tinitigan kong siyang mabuti. Hindi man ako makapaniwala sa kwento nya, wala na akong nagawa kundi ang maniwala pa. 'Sabagay kung hindi totoo yung mga sinabi nya, paano ako mapupunta dito' pangungumbinsi sa sarili ko.

"Salamat Shamy, tinulungan mo ako" usal ko habang nakatingin sa mga mata nya. "Baka makita ako ng mga magulang mo dito, nkakahiya naman"

"Wala sila ngayon dito, umalis, hindi ko alam kung kailan balik nila" nakangiting usal nya "Alam mo ba Eul, masaya ako dahil kasama na kita ngayon" seryosong usal nya habang nakatingin pa din sa mga mata ko.

Kahit ako nakaramdam ng saya sa puso ko sa isiping iyo. Na kasama ko siya ngayon sa mga oras na'to.

"Ako din, masaya kasi kasama din kita"

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now