ShamEul- Five

4.4K 84 14
                                    

Authors Note:

Napublished na ito under Rising Star Enterprise. Kaya kailangan ko ng magbura ng ilang chapter. Sana suportahan niyo din ang book ng Magkabilang Mundo. Salamat.

Available at 7-eleven, Pandayan, National Bookstores, Expressions & in all leading book stores and newsstands nationwide. P149.00

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman
ShamEul- Five

Nakatulog ako ng bumalik mula sa kwarto nila Arail. Masyadong maraming nangyaring hindi ko maipaliwanag o maintindihan kung ano man yun, kay Nikki may naglaro daw na hindi namin nakikitang nilalang, idagdag pa yung sinabi nung matanda na yun na kailangan kung mag ingat. Ganto ba talaga kapag nasa probinsiya kung ano anong mga kababalaghan ang mga nangyayari?

'Ala sais pasado na pala, kamusta na kaya si Nikki, sana naman napagaling nga siya nun matandang wirdo' Palabas na sana ako ng kwarto ng pumask naman si Nico.

"Buti gising ka na, gigisingin sana kita. Tara na nakahanda na yung hapunan natin sa baba" Lumabas na din siya at sumunod na din ako.

"Hindi ba tayo pupunta sa kabilang kwarto?" tukoy ko sa kwarto nila Aira.

"Hindi na bro, andun na sila sa baba. Ikaw na nga lang ang hinihintay namin, kaya inakyat na kita" nag uusap kami habang pababa ng hagdan.

Diretso na kaming kusina. Hinanap ko agad si Nikki pagadating namin ni Nico.

"Asan si Nikki?" tanong ko sa kanila.

"Nasa kwarto, ngpapahinga" sagot ni Mylene.

Naupo na ako sa tabi ni Arail. Nagsimula na din kaming kumain.

"Kamusta na sya? kumain na ba? Nilalamig pa din ba?" Tanong ko bago sumubo ng pagkain.

"Hindi na sya gaanong nilalamig, pero ayaw nya pang bumaba para kumain, kaya hinatiran na lang namin kanina ng pagkain sa taas." Arail

Nagtuloy na kami sa pagkain ng nagsalita si Tatay Jess.

"Mga Ineng at totoy, masaya ba ang pagbabakasyon nyo dito?" biglang tanong nya sa amin.

"Opo naman tatay, bakit nyo naman natanong?" Nico

"A-ah w-wala naman, mabuti naman at masaya kayo." usal nya at nagtuloy na uli sya sa pagsubo ng pagkain.

"Ganun po ba, pang ilang araw pa lng din naman po namin dito, kaya susulitin namin ang ilang araw pa namin pag babaksyon. At kapag nag enjoy pa po kami baka mag extend pa po kami ng another week," Nico.

"Sige ikaw na lang mag isa magextend ng another week mo, namimiss ko na nga yung pagbabar at pag sho-shoping" Mylene

"Bakit hind tayo mag inuman, tapos natin kumain?" Aira

"Sige, tapos nito aalis agad kami ni Nico, kami na bibili nang iinumin natin"  Ako

"Nakatikim na ba kayo ng lambanog?" tanong samin ni Tatay Jess. Lahat kami umiling bilang pagsagot. "Gusto nyong subukang inumin?"

"Sige po, para hindi na din kami umalis ni Eul. Masarap at malakas po ba yung tama kaysa sa ibang alak na nainum na namin?" Nico

Tumango naman si Tatay Jess "Masarap, malakas din ang tama, kaya sigurado akong magugustuhan nyo yun, mamaya bibigyan ko kayo tapos natin kumain."

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon