ShamEul- Sixteen [flashback]

3.2K 67 6
                                    

Nakakapanibago ang katahimikan ng buong kabahayan. Umalis na din sila Aling Katring bilang kasambahay. Maghahanap na daw sila ng bagong mapapasukan. Si Aling Bebang naman ay nasa Maynila pa din kasama ng pamilya nila Madam Rosa.

Dalawa na lang kami ni Tiyo Sandy ang nakatira ngayon dito malaking bahay.

Dahil pati yung ibang naninilbihan dito ay nagsialisan na din. Wala na din naman daw sila Madam pati ang mga bata kaya wala na din daw dahilan para manilbihan sila dito. Kaya naman, bilang punong tagapangasiwa. Pumayag na si Tiyo Sandy na umalis sila.

Gabi na naman. Hindi ako dalawin ng antok, kahit pagod sa trabaho, hindi ko magawang makatulog agad. Tulad ng madalas kong ginagawa kapag hindi agad maatulog. Lumabas ako ng aking silid at naglakad lakad sa may hardin.

Sa di kalayuan natanaw ko si Shamy sa malaking puno na nakatayo. 'Anong ginagawa nya dun? Imposibleng hindi nya pa alam yung nangyari kay Van?'

Naglakad ako palapit sa kanya.

"Shamy" Mahinang pagtawag ko. Pero sapat na para marinig niya.

"Ikaw pala Jess. Anong ginagawa mo dito?" Tanong pa nya na may pagtataka. 'Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo, hindi ikaw.'

"Nagpapaantok. Nakita kita ditong nakatayo." Sagot ko.

"Ganun ba" sagot niya. Bakas ang lungkot sa tinig niya.

"Bakit ka nandito ng ganitong oras? Gabing gabi na"

"Hinihintay ko si Van. Kanina pa ako dito. Ilang linggo na din akong pabalik balik. Naghihintay buksan yung bintana para makita nya akong naghihintay sa kanya." Maluha luhang saad niya. Nagtaka naman sa sinabi niya. 'Kung ganun, hindi pa niya alam na wala na si Van'

"S-Shamy, h-hindi mo pa..." Pagtatapat ko na sana yung nangyari kay Van. Pero hindi pa man ako tapos magsalita ng bigla siyang sumigaw.

"Hindi pa siya patay! Hindi pa siya patay, nangako siyang babalikan niya ako dito. Kaya dito lang ako para hintayin siya!" Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

Wala sa sarili kong hinila siya palapit sakin, at yakapin ng mahigpit.

"Wala na siya Shamy, hindi na siya babalik dito" bulong ko sa  kanya habang yakap siya.

Naramdaman ko naman unti unti siyang nalayo sa akin.

"Nangako siya. Nangakong dito kami magkikita tuwing gabi" umiiyak na saad niya. "Dyan" Turo nya sa bintana na katapat ng malaking puno. "Dyan siya dudungaw para makita niyang nandito na ako." Parang baliw na usal niya pa.

Naglabas ako ng bimpo para sana ipamunas sa mukha niya na basang basa ng luha. Pero hindi niya ito kinuha. Naglabas siya ng sarili niyang panyo. Dahil medyo maliwanag naman, naagaw ang atensyon ko ng disenyo nito. 

"Shamy maaari ko bang matingnan saglit yang panyong gamit mo" ani ko na nakaturo sa hawak niyang panyo.

Napatigil naman siya sa pag iyak at takang tumingin sa panyong gamit niya sabay tumingin sakin. Wala sa sariling iniabot naman niya yung panyo.

'Hindi nga ako nagkakamali, ganito yung panyo na nakita nung mga pulis' Panyo na may burdang uwak. 'Hindi kaya may kinalaman siya sa pag patay kay Van? Pero imposible, mahal na mahal niya yung tao kaya imposibleng mapaslang niya ito.'

"Bakit anong meron sa panyo ko at ganyan na lang ang reaksyon mo?"

"Sa iyong panyo ba yan Shamy?" Sinagot ko ng tanong din ang tanong niya.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon