ShamEul- Twenty Two

2.9K 72 4
                                    

EUL CYRUS POV

Kanina pa kami nandito sa veranda sa labas ng kanyang silid. Kanina ko pa din napapansin na napakatahimik niya. Parang may malalim na iniisip.

"Shamy," Mahinang tawag ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin ng sakin ng may pagtataka. "May problema ba?"

Ngumiti siya sakin, ngunit bakas pa din ang lungkot sa mukha niya. Kaya naman tumayo ako, naupo sa katabing upuan niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan sa kanyang mga mata.

"Shamy sabihin mo sa'kin kung ano ang problema. Ayokong nakikita kang malungkot." Kahit anong ngiti niya, hindi niya maitatago sa'kin ang lungkot na nararamdaman niya.

"Malapit ka ng umalis, palalayain na kita. Patawarin mo ako kung dinala kita dito. Mahal kita, mahal na mahal kita. Ayokong maging makasarili. Marami na akong mga nagawang kasalanan. Patawarin mo sana ako." Usal niya habang naka tungo. Alam ko na umiiyak na siya, nakita ko na kasi may luhang pumatak sa kandungan niya.

"Eul. Hindi tayo pwedeng magsama. Hindi na natin pwedeng ituloy 'to. Marami na akong nasaktan at marami pang masasaktan kapag nanatili kapa sa tabi ko." Tuluyan na siyang umiyak.

Nalilito na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko na siya mainitindihan.

"Shamy, mahal kita. Mahal na mahal na kita. Kung natatakot kang hindi ka matanggap ng pamilya ko. H'wag kang mag alala. Sigurado akong magugustuhan ka nila." Nakangiting usal ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. "Kung sino ang mamahalin ko, sigurado din akong mamahalin din nila."

"Hindi mo ako maintindihan Eul. Magkaibang mundo ang ginagalawan natin!" Nagulat ako ng tumayo siya at sumigaw ng malakas. "Masaya ako kahit sa konting panahon nakasama kita. Tinupad mo ang pangako mo na babalik ka. Pero bumalik ka sa maling panahon kung kailan hindi na magtatagpo ang mga kaluluwa natin." Usal niya. Ramdam ko ang sakit ng mga sinasabi niya. Pero hindi ko talaga siya mainitindihan Hindi ko makuha kung anong gusto niyang ipahiwatig.

Tumayo na din ako at humarap sa kanya. Litong lito na ako.

"Shamy, hindi kita talaga maintindihan. Anong magkaiba ang mundo natiin? Ito tayo magkasama, gagawa tao ng sarili nating mundo." Gulong gulo na tanong ko sa kanya.

"Eul, patawarin mo ako sa nagawa ko. Tama si Jess, hindi ikaw si Van. Hindi na siya babalik. Hindi na kami..." Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. Dahil biglang sumakit ang ulo ko. "Eul, ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" Dinig ko tanong niya habang nakahawak sa ulo ko.

Habang nasakit ito, may mga pangyayari akong nakikita. Magkasintahan na masayang magkasama. Mga alaalang nagbabalik sa isip ko,  mga kaganapan na nangyari na kasama ko siya sa ibang katauhan.

Nang mawala na ito ang sakit, wala sa isip kong bigla kong niyakap ko si Shamy, ang babaeng pinangakuan kong babalikan ko sa tamang panahon, at ito na yung tamang panahon na pinangako ko.

"Eul," Mahinang usal niya habang nakayakap na din siya sa'kin.

"Ako 'to aking mahal, si Van." Naalaala ko kung sino ako. Pinanganak ulit ako para makasama ko siya. Nagkita na ulit kami.

Naramdaman kong unti unti niya akong tinulak palayo sa kanya. At takang tumingin sa mga mata ko.

"A-aking M-mahal?" Umiiyak na tanong niya. Kahit ako hindi makapaniwala na magkasama na kami.

Ngumiti ako ng sa kanya bilang sagot ko. Kaya agad din siyang yumakap sa'kin ng napaka higpit.

"Pero paanong nangyaring ikaw nga ang..." Tanong niya na hindi ko na tinapos dahil agad ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Ang tagal kong hinintay na mahagkan kong muli ang mga labi ito. Ang tagal ng panahon na hinintay ko para lang makasama ang babaeng pinakamamahal ko. 'Maaaring mag iba tayo ng mundo ngayon, handa akong gumawa ng sarili nating mundo, para makasama ka sa habang panahon.'

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now