ShamEul- Fifteen [flashback]

3.2K 66 8
                                    

"Totoo ba talaga yung narinig ko na pag aaralin ka daw ni Madam?" Tanong ni Shamy, habang nakikibungkal din siya ng lupa. Mabuti nga hindi siya maarteng babae. Hindi tulad ng mga naging kaklase ko. Kung makaarte akala nila sa sarili nila ay mga mayayaman.

Pero siya, bakas na may sinasabi din ang kanyang pamily, pero hindi siya yung tipo nang babae na madiriin. Nakakatuwa pa nakikihawak din siya ng lupa.

"Hoy!" Gulat niya sa akin. Nakatitig na pala ako sa kanya ng hindi ko namalayan. Parang biglang nag-init yung magkabilang pisngi. Dala na din siguro ng pagkapahiya. Bigla akong yumuko. Nagtuloy sa pagbungkal. "Tinatanong kita, si Madam na talaga yung mag papaaral sayo?"

"Ha? O-Oo, siya daw magpapaaral sakin, sinabi niya pa nung kaarawan ni Ciara." sagot ko naman. "Ikaw magaarala ka din ba?"

Hindi siya sumagot o umiling man lang. Parang walang narinig. Kaya inulit ko yung tanong, tulad ng ginawa niya.

"Sabi ko, ikaw ba..." Pero bago ko man matapos ang sasabihin ko nagsalita na siya.

"Oo, nag aaral ako, pero hindi sa paaralan" malungkot na niyang sagot. Nawala na yung ngiti sa mga labi niya. "Ayaw akong pag aralin ng mga magulang ko sa paaralan. Tama na daw yung sa bahay ako maturuan."

"Paanong sa bahay?"

"Napunta ang aking guro para doon ako turuan. Masyado daw magulo sa paaralan. Maraming tao. Pero yun ang gusto ko. Makakilala ng maraming tao, magkaroon ng maraming kaibigan na kahit kailan hindi ko yata mararanasan pa." Bakas sa tono ng mga salita nya ang lungkot. "Pero ng makilala ko si Madam, ganyun din yung mga anak niya. Kaya masaya na ako." Nagbago na naman yung emosyon niya. Naging masaya naman. Parang batang nakakuha ng bagong kaibigan at kalaro.

"Ah, kaya pala palagi kitang nakikita dito at nakikipaglaro sa mga bata." Tatango tango kong usal sa kanya.

Masaya kami nagkwentuhan. Hanggang sa matapos kami sa pagtatanim. Nagpaalam na din siyang uuwi. Dahil malayo daw ang kanilang tirahan. Kaya ayaw niyang abutin sa daan.

Lumipas ang ilang araw. Palagi kong nakikita si Shamy na kasama ang mga bata. Masayang nakikipag laro. Nakikita ko din siyang masayang nakikipag usap kay Van.

Sa mga tingin ni Van kay Shamy, halata mong may pagtingin siya sa babae. Ganun din naman ang huli. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Dahil alam ko may gusto ako sa kanya. Dahil nung gabi na yun, hindi ako makatulog. Siya ang laman ng isip ko. Gusto ko pa siyang makilala ng lubos. Pero mukhang huli na ang lahat. Nagkakamabutihan na silang dalawa.

Umiwas na lang ako ng daan para hindi ko sila makitang masayang naguusap.

Pero makalipas ang ilang araw, hindi ko na nakikitang napunta si Shamy dito sa bahay. Hindi na siya nakikipag laro kanila Ciara. Katulong na lang ang nakikita kong kasama ng anim na mga bata. 'Marahil ay nalaman ni Madam ang ugnayan nilang dalawa'. Dahil narinig kung nagtatalo silang magkapatid patungkol kay Shamy. Tutol si Madam sa pag iibigan nilang dalawa.

Nandito ako ngayon sa aking silid. Magpapahinga na. Pero hindi ako dalawin ng antok. Kaya nagpasya akong lumabas. Nagpunta ako sa hardin para magpaantok. Naglakad lakad ako hanggang may marinig akong munting ungol.

"Hmmm, oohhhh" Naglakad ako papalapit sa narinig ko. Agad akong nagtago ng makita ko si Shamy at si Van na naghahalikan doon sa ilalim ng malaking puno.

Nagpasya na akong umalis.Dahil nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Masakit palang makita ang mahal mo na kasama ang mahal niya, lalo sa ganitong sitwasyon. Pero bago pa man ako makalayo.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now