ShamEul- Seventeen [flashback]

3.1K 68 9
                                    

Ilang araw nang dito pinatuloy si Shamy. Hindi na din naman nagtanong pa ang mga magulang ko. Dahil sinabi ko naman sa kanila na kaibigan siya nila Madam at dating kasintahan ni Van.

Ang laki ng pinagbago ni Shamy, kung dati ay masayahin siya at laging nakangiti. Ngayon ay tahimik at laging tulala. Madalas din siya nasa veranda. Minsan naman nahuhuli ko siyang nasa silid ni Van at nakadungaw sa bintana.

"Shamy gusto mong mamasyal tayo sa may ilog? Manghuli ta'yo ng mga isda" Masayang paanyaya ko sa kanya. Ngunit wala naman akong nakuhang tugon mula sa kanya. "Gusto mo mamasyal tayo sa bayan. Para naman malibang ka. Tapos kumain tayo sa mga masasarap na kainan?" Dagdag ko. Ngunit tulad ng una. Nanatiling wala siyang tugon.

Maya maya lang bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa may veranda sa taas. Sinundan ko siya at pumasok sa silid ni Van. 'Paano niya makakalimutan si Van kung patuloy pa din niyang inaalala ito? Hindi ko alam kung ano pa ba dapat kung gawin para makalimutan mo siya at ako na lang ang mahalin mo'

Nakita ko na naman umiiyak siya. Habang hawak ang larawan ng namayapang si Van. Lumabas na lang ako ng silid at pinabayaan na lang siya mag isa dun, kung nasasaktan siya. Nasasaktan din ako, dahil sa nakikita ko.

Gabi na nang binalikan ko siya sa dating silid ni Van. Pero laking gulat ko ng wala akong makitang Shamy na nandoon. Kinabahan ako sa mga pangit na pumapasok sa isip ko. Natakot, baka kung anong maaaring gawin niya sa kanyang sarili.

Mabilis akong nagpunta sa veranda, ngunit wala din siya. Pababa ako ng hagdanan ng makasalubong ko si Nanay.

"Nay nakita nyo po ba si Shamy?" Tarantang tanong ko.

"Hindi ko siya napansin, anak. Alam ko hindi pa siya nababa dito para kumain. Nagaalala ako sa kaibigan mo na yun. May alam ka ba sa problema niya?" Maaaring nakakapansin na din si Nanay sa mga ikinikilos ni Shamy.

Dahil walang alam si Nanay tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon. Kaya imbis na sagutin ko ang tanong ni Nanay, nagpaalam na lang ako na hahanapin ko muna si Shamy.

Hinanap ko siya sa buong kabahayan, pero bigo akong makita siya. Kaya nagpasya akong hanapin naman siya sa labas. Sa bakuran. Sa likod bahay. Wala din siya. Masyado na akong nag aalala sa kanya. Lalo sa mga oras na 'to dahil gabi at madilim na.

Nagawi ako sa may hardin, nag-isip kung saan siya maaaring nagpunta.

"Aking mahal, nandito lang ako, maghihintay sayo na dumungaw ka dyan. Para makita mong nandito ako at naghihitay sa'yo. Kaya pakiusap dumungaw kana dyan aking mahal"

Nagmamakaawang usal ng isang babae. 'Hindi ako maaring magkamali. Siya yung narinig ko'. Tinig ng babaeng iniibig ko. Mabilis akong naglakad palapit sa malaking puno.

"Silipin mo na ako dito. Wag ka ng mag alala at matakot. Hindi kana nila masasaktan. Napaslang ko na silang lahat. Kaya maaari ka ng dumungaw at bumaba dito." usal niya sa pagitan ng pag iyak.

Hindi ko namalayan, pumapatak na din pala ang mga luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya. Wari ko'y wala na siya sa kanyang katinuan. Hindi niya matanggap na wala na ang taong minamahal niya.

Hindi na ako nakatiis sa nakikita. Kaya naman nilapitan ko na siya.

"Shamy tama na yan. Tanggapin mong wala na siya" Pakiusap na ani ko.

"Jess nagkita kami kanina. Sabi niya dito lang daw ako maghihitay. Kaya dito kang ako. Kaya iwan mo na ako dito. Baka makita ka pa ni Van kung ano na pang isipin at sabihin niya." Natatarantang pagtataboy niya sakin.

"Shamy!" Sigaw ko. Dahilan para magising siya sa kabaliwan niya. "Patay na si Van. Wala na siya. Tanggapin mo na yun!!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi sumigaw. "J-Jess" Saad niya na maluha luha ang mga mata. "Kailangan ko siya. Mahal na mahal ko si Van. Gusto ko na siyang makasama" Umiiyak na ani niya.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now