ShamEul- Nineteen

3.2K 76 8
                                    

NIKKI POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko lalo sa  pagkatao ni Shamy, ganun din kay Tatay Jess. Nagawa niyang maglihim ng ganun katagal. Lalo na kanila Lola at Lolo.

"Kaya siguro nagmumulto si Shamy dahil dito nyo lang pala siya inilibing sa loob ng bakuran. At hanggang ngayon naasa siyang magkikita ni Lolo Van." Nico.

"Pero dapat nagkita na sila. Kasi patay na si Shamy at pareho na silang nasa kabilang buhay." Shishai.

Umiling naman ako sa sinabi niya. 'Kung nagkita sila, sana hindi na nagmumulto si Shamy."

Si Tatay Jess naman ay tahimik lang. Tila nag iisip ng malalim.

"Malabo silang magkita sa kabilang buhay apo." Usal niya. "Dahil si Van pinatay, at yun ang naging paaran ng may Lumikha kung paano niya bawiin ang buhay nito. Kaya maari siyang nitong tanggapin sa kaharian niya. Ngunit si Shamy ay nagpakamatay. Isang malaking kasalanan sa Diyos ang ginawa niya. Kaya hindi siya maaaring tanggapin Nito." Paliwanag pa niya.

Ngayon naintindihan ko na kung bakit nandito pa din ang kaluluwa niya. Dahil patuloy pa din ito sa paghihintay sa taong mahal niya.

"Tatay Jess, kamukha po ba ni Eul si Lolo Van?" Ako. Naalala ko kasing malaki ang pagkakahawig nila ng pinsan kong si Eul.

"Oo, nagulat ako nung una ko siyang makita, dahil talagang magkahawig silang dalawa. Parang nakita ko si Van nung ganoong edad ito." Paliwanag niya. Bakas din ang lungkot.

"Lo paano po natin malalaman kung nasaan ngayon ang pinsan nilang si Eul?" Shishai.

Nilingon ko si Tatay Jess at naasang sasagot siya na alam niya kung saan nga ang pinsan namin. Pero nanatiling blangko lang mababakas sa mukha niya.

"Hindi ko din alam. Ang tanging alam ko lang na maaari nating gawin ngayon ay hintayin natin siyang ibalik ni Shamy kung kinuha nga siya nito."

Nagulat ako ng biglang tumayo si Nico.

"Anong hintayin?!" Sigaw niya ng lumapit sa matanda. Habang hawak ito sa kwelyo. Kaya maagap akong tumayo at hinila ito palayo sa matanda. "Kung simula pa lang sinabi nyo na sa amin na may kung anong kababalaghan ang nangyayari dito sa bahay. Sana umalis na kami agad dito nang araw na dumating kami. Hindi na sana namin naranasan yung kademonyohan ginawa samin ng baliw na Shamy na 'yun!" Galit na sigaw ni Nico kay Tatay.

"Bakit ang Lolo ko ang sinisisi niyo sa mga nangyari sa inyo sa bahay na 'to. Hindi din naman niya ginusto na maranasan niyo yun ha!" Pagtatanggol naman ni Shishai sa Lolo niya. Habang naka hawak ito sa braso ng matanda.

"Maupo ka muna Nico, tama si Shishai, marahil hindi inaasahan ni Tatay Jess ang mga nangyari." Ako

"Pasensiya na. Hindi ko alam na sasaktan niya kayo. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari, sana pagdating niyo pa lang pinagtabuyan ko na kayo agad. Kahit magalit pa ayo sakin." Malumanay na usal niya sa amin.

Nakita ko naman ang sinseredad niya sa kanyang mga sinabi.

 "Nikki!" Narinig kong may tumawag mula sa pintuan. Kaya pati sila Tatay Jess ay napalingon. Si Arail kasama si Mylene pati yung driver nila. "kamusta ang pagrereport niyo sa mga pulis?" Agad niyang tanong ng makalapit na sa amin.

"Hindi pa kami nagpupunta sa mga pulis, dahil may iba pa kaming nalaman. At hindi pulis ang kailangan natin dito. Kundi isang albularyo o ispirirtista." Sabad na usal ni Nico.

Litong napalingon naman sa kanya si Mylene. "Ano na bang nangyayari dito? Nasaan na si Eul? Bakit hindi pa kayo nagpupunta sa pulisya?" Sunod sunod na tanong niya sa amin.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now