ShamEul- Thirteen

3.4K 67 2
  • Dedicated to Charlene Mae Delos Reyes
                                    

NICO POV

Ilang araw na din kaming nandito sa cavite, at ilang araw na din kami nagpapabalik balik sa lumang bahay. Sa ilang araw na yun doon na din muna kami nakituloy kina Manang Lourdes.

"Nico nasaan na ba talaga siya? Bakit hindi na natin siya matawagan?" Maiyak iyak ng tanong ni Nikki sakin. Pero tanging tango lang ang kaya kong isagot sa kanya ngayon.

Ako man ay alalang alala na para sa kalagayan ng pinsan namin. Kung nasaan na siya. Ang huli kong kausap sa kanya ay yung gabing nagalit pa siya sakin.

Nakailang tawag na din sila Tito at Tita, panay pagsisinungaling nalang ang mga sinasabi ko kapag sinasagot ang tawag nila. Kung minsan naman ay pinapabayaan na lang itong magring ng magring hanggang kusang tumigil ito.

Nandito kami nagyon sa loob ng lumang bahay. Umaasang babalik si Eul sa mga sandaling iyon.

"Nikki, humingi na kaya tayo ng tulong sa mga pulis, ilang araw ng nawawala yung pinsan natin, siguro naman matutulungan nila tayo sa paghahanap"

"Tama ka, kailangan na nating humingi ng tulong sa mga pulis, kailangan na din nating sabihin kina Tita yung nangyari sa anak nila" Bakas sa pananalita nya ang pagod at pagkabalisa.

RING

RING

RING

Tumunog ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang natawag.

'Si Arail, bakit kaya'

[Nico nasaan ka?]

"Ha? Ah.. bakit?" Balik tanong ko. Nagaalinlangan akong sabihin sa kanya na nandito kami sa cavite.

[Kasama mo ba si Nikki at Eul?] Ulit na tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. 'Sasagutin ko ba o hindi na?' Kaya nagpasya na lang ako.

"Si Nikki lang kasama ko, si Eul hindi ko alam kung nasaan ngayon. Nandito kami sa lumang bahay sa cavite. Hinahanap si Eul."

[Hinahanap?] waring litong tugon nya pa [Bakit nawawala ba siya?]

Kaya naman nag kwento na ako sa kanya, mula ng bumalik kami dito, pati na din yung iba pa naming nalaman tungkol kay Shamy. Halos hindi makapaniwala si Arail sa mga sinabi ko. Pagkatapos ng usapang yon, binalikan ko na si Nikki na nakaupo at nakasubsob ang ulo sa maliit na lamesa sa gitna.

"Sino yun?"

"Si Arail sinabi ko na sa kanya lahat ng nangyari pati na din yung mga nalaman natin" sagot ko sa tanong nya.

Hindi na muli siyang nagsalita. Balik ulit siya sa pwesto nya na nasubsob sa lamesa. Maya maya lang narinig ko na naman siyang umiiyak. Kaya agad ko siyang inalo, para kahit paano mabawasan yung pag aalalang nararamdaman nya.

"Tama na makikita din natin siya. Umayos kana para makapunta na tayo sa police station, tatawagan ko na din sila Tita para malaman na nila yung nangyari" mahinang usal ko habang hinihimas ko siya sa kanyang likod.

Umayos na sa pagkakaupo si Nikki, pinunasan na din nya yung mukha niyang nabasa ng mga luha.

"Tara na" aya nya din sakin. Pero bago kami lumabas ng bahay muling tumunog ang phone ko.

'Bakit na naman kaya?' muli kasing tumawag si Arail.

"Bakit? Paalis na kami papuntang police station" sagot ko agad, bago pa man siya magsalita.

[Pupunta kami dyang dalawa ni Mylene hintayin nyo kami] Arail

"Sige kayo bahala, aalis na muna kaming dalawa ni Nikki. Pupunta lang kaming police station para maireport na agad namin yung pagkawala ni Eul. Sige na ibaba ko na 'to"

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now