ShamEul- Two

12K 161 34
                                    

Nakaramdam ako ng tuwa, ng may maaninag akong pigura na nakatayo malapit sa puno.

Alam kong siya yun, dahil sa mahaba at kulot nyang buhok.

Pagkakita ko agad sa kanya ng tumapat siya sa konting liwanag, bigla kong naramdamang bumilis ang tibok ng puso ko. 'Bakit ganito nararamdaman ko?'

Dahan dahan ko ng isinara yung bintana. At lumabas ng kwarto. Masyadong tahimik ang buong bahay.

Siguro  tulog na din sila Aira. Dahil wala na akong naririnig na kahit anong ingay mula sa kabilang kwarto. Kaya naglakad na ako hanggang makarating sa may hagdan. Habang pababa ako, may narinig akong parang kaluskos na mula sa kusina. Kaya dumeretso muna ako dun bago lumabas nang bahay.

"meeeoooww"

"meeeoooww"

"meeeoooww"

Pagdating ko sa kusina, may nakita akong itim na pusa sa ibabaw ng lamesa. 'Taena pusa lang pala, akala ko may magnanakaw na' kaya agad ko na lang binugaw, baka makabasag pa.

Nang mapaalis ko na yung pusa. Lumabas na din ako ng bahay para puntahan ang babaeng nasa may bakuran.

Pagdating ko don nakita ko syang nakatalikod mula sa kintatayuan ko, at nakaharap sa malaking puno.

"Miss..kani..." tawag ko sa kanya, ng bigla naman nyang pinutol yung sasabihin ko pa sana.

"Bakit ngayon ka lang?" malamig nyang usal.

"Ahh. dumaan lang ako ng kusina, binugaw ko lang yung pusa." paliwanag ko. "Miss bakit ka nga pala biglang umalis nung isang gabi. bumalik ako pero pagbalik ko wala ka na"

Tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Hmm.. M-Miss.. ako nga pala si Eul Cyrus, ikaw na lang bahala kung anong gusto mong itawag sakin. Kung Eul o Cyrus, pwede din dalawa na lang." Nahihiya pero masiglang sabi ko sa kanya. "ikaw, anong pangalan mo?" nanatili pa din siyang tahimik.

Para akong tanga na nagsasalitang mag isa, pero hindi pa din siya nasagot. "miss, baka nilalamig ka gusto mo kumuha ako ng jacket?" muling tanong ko. Iling lang ang tanging sinagot nya.

Nanatili pa din siyang nakatayo at nakatingin sa malaking puno. 'Anong bang meron dyan sa puno?' Kaya tumingin din ako sa itaas, pero wala naman akong nakitang kakaiba, Maliban sa nagkakapalang mga dahon at malalaking sanga. Kaya ibinalik ko na lang yung tingin ko sa kanya. Lalapit na sana ako ng bigla siyang humarap at nagsalita.

"Ako nga pala si Shamy" Pagpapakilala nya sakin na nakayuko siya.

"Hi Shamy, ang ganda naman ng pangalan mo" Sabi ko at tuluyang lumapit na sa kanya. "Bakit ka naman nakayuko? Pwede ko bang makita ang magandang mukha mo?" tanong ko.

"Nakakahiya" usal nya at lalo pa siyang yumuko.

"Bakit ka naman mahihiya, dalawa lang naman tayo. At sigurado akong maganda ka" Lumapit pa ako lalo sa kanya, at hinawakan ng dalawang kamay ko ang mukha nya para iangat.

[O__O]

[>////<]

Hindi nga ako nagkamali, talagang maganda siya. Agad ko din naman binitiwan ang mukha niya. Pero nanatili pa din akong nakatitig sa kanya. May maamo syang mukha, mga matang animo nangungusap na kahit  sa konting liwanag maaaninag pa din. Ang mukha nyang mala anghel na ang sarap pagmasdan.

Muli siyang yumuko. 'Nahihiya pa sya, sa ganda nyang yan kahit mga pinsan kong babae mahihiya sa kanya.'

"S-Shamy a-ang ganda mo pala." Nahihiyang usal ko.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now