ShamEul- Eighteen [flashback end]

3K 69 4
                                    

Pagkalabas ng silid ni Jess agad akong napa upo sa gilid ng kama. Nakakaramdam pa din ako ng galit dahil sa mga masasakit na sinabi nya sa harapan ko.

'Hindi ako baliw!' Mariing sigaw sa isip ko. Alam kong sa sarili ko na totoong nakikita ko si Van sa panaginip ko. Naniniwala din ako sa mga sinabi niya na babalik siya para magkasama na kami.

'Nangako ka na hindi ba?' Usal ko habang hawak ko ang litrato niya.  'Handa akong maghintay sayo, dahil nangako kang babalik ka at alam kong tutuparin mo iyon'

Nahiga na ako, habang yakap ang litrato ng lalaking pinamamahal ko. Ilang sandali lang at nakaramdam na ako ng antok, hanggang sa makatulog.

KINABUKASAN

Pagkalabas ko mula sa palikuran. Ito naman ang pagpasok ni Jess sa silid ko na may dalang pagkain.

"Mabuti at gising kana, dinalhan na kita ng agahan" Usal niya habang isa isang nilalapag ang pagkain sa maliit na lamesa sa gilid ng aking kama. "Kumain ka na habang mainit pa, kung may kailangan ka pa sabihin mo lang. Nasa kabilang silid lang ako, naglilinis." Malamig na usal pa niya. Nang maiayos niya na ang mga ito ay agad na siyang lumabas ng silid.

Nagumpisa na akong kumakain dito ng magisa. Hindi ko na lang din ininda ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung maging ganun. Alam kong malaki ang utang na loob ko sa kanya, dahil sa pagtulong sa akin. Pero hindi naman tama na pagsalitaan niya ako ng mga masasakit na salita.

Ilang araw na hindi kami nagkikibuan. Paminsan minsan nasabay ako sa pamilya nya sa pagkain. Ngunit kadalasan hinahatiran niya na lang ako sa aking silid ng pagkain, kapag hindi ako lumalabas ng silid.

Sumapit na naman ang gabi. Pakiramdam ko darating na siya at magkikita na ulit kaming dalawa. Dahan dahan akong lumabas ng silid, para hindi ako mahuli ni Jess na lumabas. Dahil siguradong sisitahin niya ako at pilit pababalikin sa loob ng bahay.

Nang makalabas na ako ng bahay, mabilis akong tumakbo palapit sa puno. 'Aking mahal nandito na ako.' Mahinang usal ko. Umaasang magpakita man lang siya sa akin.

Magdamag akong nakaupo sa ilalim ng puno. Ramdam ko ang lamig ng hangin. 'Konting tiis lang, darating na ang mahal mo.' Pangungumbini sa sarili ko.

"Shamy." Dinig kong may natawag sakin mula sa likod. 'Ang boses na 'yun.' Dahil kilala ko kung sino ang may ari ng boses na yun kaya walang alinlangan akong lumingon saking likuran.

"V-Van?" Nangingig kong saad. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"I-Ikaw nga a-aking m-mahal." Umiiyak na usal ko. Unti unti kong tinaas ang kanang kamay ko para mahawakan ang kanyang mukha. Habang patuloy pa din ang pag patak ng mga luha saking mga mata.

"Nagbalik ka nga." Masaya ako ngayon dahil tinupad nya ang pangako niya sakin. Heto siya ngayon at kasama ko.

Ngunit napansin kong lumungkot ang kanyang mga mata. "Hindi ka ba masayang nagkita tayong muli aking mahal?"malambing na tanong ko.

"Masaya akong makita kang muli Shamy. Pero nalulungkot akong makita ka sa ganyang kalagayan.Kaya sana mapalaya mo na ang sarili mo sa kalungkutan at maging masaya." Van.

"A-anong ibig mong ipahiwatig? H-hindi na tayong muling m-magkikita pa?" Kabadong tanong ko. Natatakot ako na hindi ko na siya makasama pa. "Van, hihintayin kiya. Handa akong maghintay gaano man ito katagal, basta makasama ka lang." Umiiyak na usal ko sa kanya. Ang bigat ng pakitamdam ko.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now