ShamEul- Twelve

3.5K 83 4
                                    

NIKKI POV

Ilang sandali lang narating na din namin ang lumang bahay. Sumilip muna ako mula sa gate. Kung andoon paba yung sasakyang ginamit ni Eul.

"Tara na Manang samahan mo  po kami sa loob." Aya ko sa matanda pagkapasok namin sa loob ng bakuran.

"Dito na lang ako, hindi na ako sasama papasok sa loob nyang bahay. Nakakatakot eh" Tanggi sa amin. "Uuwi na lang ako. baka hinahanap na din ako ng mga apo ko. Baka nagaalala na yun. Dapat kanina pa kasi ako nakauwi, sige na maiwan ko na kayo dyan, magiingat kayo mga bata."  Yun lang at mabilis na siyang lumabas ng kotse.

Pinagmasdam muna namin siya hanggang makalabas ng bakuran.

"Ano, tara na?" Nico

Tumango ako bilang pagtugon.

"Ito yung susi, ikaw na magbukas" Bigay ko sa kanya.

"Bakit ako? ikaw na, ikaw matapang sa atin dalawa." tanggi niya. Umiling na lang ako sa pag tanggi niya.

'Daig pa bakla sa kaduwagan ng lintek na to' Wala na nga akong nagawa kundi ang buksan ang pinto ng bahay.

Napakatahimik ng kabuuan nito. Umakyat na din kami ng hagdan patungo sa silid na tinutuluyan ni Eul.

"Huh? Nasaan siya? bakit wala siya dito?" Pagbukas ng pinto ng silid, agad namin hinanap si Eul ngunit ni anino niya ay hindi namin nasilayan. "Sigurado ka bang nandito si Eul? Hindi kaya umalis na yun?"

"Hindi naman siguro, dahil nasa baba pa yung sasakyan, imposibleng magcommute yun pauwi"

Nagpasaya kaming hanapin siya sa buong bahay. Kahit sa labas. Pero wala kaming Eul na nakita. Tinawagan na din namin siya sa phone, pero naka off lang ito.

Inabot na kami ng hapon kakahintay sa kanya. Pero hindi pa din siya bumabalik dito. Imposibleng umuwi si Eul dahil nandito ang sasakyan, pati ang susi nito ay nandito din.

"Maghihitay pa ba tayo dito hanggang dumilim?" Tanong ni Nico sakin.

"Malamang, saan naman tayo matutulog kundi dito." 'may pagpipilian pa ba kundi dito tayo matulog.kahit may pagaalinglangan ako, kahit natatakot ako para sa kaligtasn natin, tsss' Gusto ko pa sanang idagdag, kaso lang baka magalit.

"Ayokong magpalipas ng gabi dito. Hanap na lang tayo ng hotel, para doon matulog ngayon. Kahit ako na lang magbabayad, basta wag lang tayo dito matulog" Pakiusap niya na.

"May nakita ka bang malapit na hotel dito? Puro talahiban ang kadalasang nadadaanan natin sa lugar na 'to." Inis na saad ko sa kanya.

"Makituloy kaya muna tayo kina Manang?" suhesyon niya. Mabilis din akong sumang ayon sa isipin na 'yon.

"Sige, sana patuluyin tayo. Alam mo naman yung matanda na yun lakas mandarag. Daig pa si Arail" tukoy ko sa matandang babae.

"Eh kung umuwi na lang kaya tayo. Doon na lang natin hintayin si Eul sa manila?" Biglang pag babago ng isip niya.

"Makituloy na lang tayo kay Manang doon ka na lang magbayad. Baka sakaling mura lang. Tapos tawagan na lang natin si Shishai kung nakauwi na si Tatay Jess." usal ko sabay tayo mula sa pagkakaupo sa hagdan sa harap ng pintuan sa labas ng bahay.

"Hoy! May number ka ni Shishai?" Habol ni Nico sa akin.

"Oo, binigay nya kanina bago tayo umalis sa kanila." Sabay pakita ko ng number na may pangalan ni Shishai sa hawak kong cellphone.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now