ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]

4K 82 19
                                    

EUL CYRUS POV

Saya at lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Masaya ako dahil nakasama ko na ulit ang mag taong nagmamahal sakin, ang pamilya ko.

Lungkot dahil, dahil iniwan ko na naman ang pinakamamahal ko, at hindi ko na alam kung makikita at makakasama ko pa siya.

Pero ito nayon, nakita ko naman kung gaano tuwang tuwa ang mga pinsan ko sa pagbabalik ko.

Lahat sila nakayakap sa 'kin. Ramdam ko kung gaano nila ako kamahal. Kahit minsan may hindi kami pagkakaunawaan, ito pa din sila at hindi ako pinabayaan.

"Salamat Eul hindi ka sa kanya sumama. Pano na lang kung sumama ka, mawawala na kami ng gwapong pinsan." Birong usal ni Nikki.

"Parang sinabi mo naman Nikki na hindi ako gwapo at si Eul lang gwapo." Nakangusong usal ni Nico sa kanya, na tila inaagawan ng laruan.

Kaya naman masaya silang nagtawanan sila sa reaksyon ng mukha ni Nico.

Habang itinayo na nila ako mula sa pagkakahiga.

"Tayo na sa loob ng bahay, dun na tayo para makapagpahinga na sa Eul." Yakag ni Tatay Jess.

Nagtanguan naman sila bilang tugon kay Tatay jess. "Sige po Tay susunod na kami." Nikki.

Kaya umalis na yung iba, at naiwan na kaming magpipinsan dito sa ilalim ng puno.

"Eul, tara." Hawak sakin ni Nikki.

"Mauna na muna kayo sa loob ng bahay." Usal ko na pilit kong pinapasaya ang tono ko. Ayokong iparamdam sa kanila yung lungkot na nandito ngayon sa puso ko.

"Pero," Tutol ni Arail "Baka kung ano pang mangyari sa'yo ulit dito. Baka kung anong gawin ulit sa'yo ni Shamy." Nagaalalang usal niya.

Ngumiti naman ako at tinapik siya sa balikat. "Salamat sa pag aalala, pangako walang nangyayari sa'kin dito. Gusto ko lang munang maiwan dito saglit."

"Sige pero doon lang kami yung nakikita ka namin." Turo ni Nikki sa labas ng bahay. "Mahirap na baka kuhanin ka niya ulit sa'min." Tumango naman ako bilang pagsangayon.

Nang makaalis na sila, naupo ako sa ugat na madalas naming upuan ni Shamy kapag nagkikita kami dito.

"Aking mahal, patawarin mo 'ko kung hindi ko na naman natupad ang pangako ko." Usal ko habang nakahawak sa malaking puno. "Mahal na mahal kita, naniniwala akong mag tatagpo ulit ang ating mga kaluluwa sa tamang panahon at tamang pagkakataon." Usal ko pa.

FLASHBACK

"Gagawa tayo ng sarili na'ting mundo Aking mahal. Tutuparin ko ang pangako kong magsasama na tayo, kaya pakiusap 'wag mo naman akong pagtabuyan." Pag mamakaawa ko sa kanya habang hawak ko ang mga kamay niya. Ngunit umiling lang siya.

"Masakit Aking mahal na mahiwalay sa'yo. Pero wala na tayo sa iisang mundo. Kung kukunin pa kita ngayon lalo lang nadagdagan ang kasalanan ko sa Kanya. Gusto ko ng humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko," Malungkot niyang usal sa akin. "Kahit matagal na panahon akong naghintay na makasama kang muli." Umiiyak na niyang usal sa harap ko.

"Heto na ako, sasayangin pa ba natin ang pagkakataon na magakasama na ulit tayo?" Tanong ko na sa kanya. Handa akong isakripisyo ang buhay ko makasama lang siyang muli.

Ngunit ngumiti lang siya sa sinabi ko.

"Masaya na akong nakasama ka kahit sandaling panahon. Masaya na akong tinupad mo mga pangako mo. Panahon na sigurong humingi ako sa Diyos ng tawad sa mga ginawa kong pagpaslang sa pamilya ko at pagbawi sa buhay ko para lang makita kita dito sa kabilang buhay, para mahanap ko ang kaluluwa mo." Umiiyak niyang usal.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now