ShamEul- Four

6.3K 113 11
                                    

Hindi na namin tinuloy ang pamimingwit ng isda, kundi lumangoy na lang kami. Mas nag enjoy pa kami kaysa kanina.

"Andyan na si Tatay Jess, kasama si Nikki." Turo ni Nico. Kaya napatingin kami sa direksyong itinuro nya.

Nakita nga namin silang palapit na dito sa pwesto namin.

"Andaya nyo, umalis lang ako, nagswimming na kayo dyan" reklamo ni Nikki ng makalapitt na sila ni tatay jess sa amin.

"Tara dito mag swimming ka, hahaha" aya ni Arail sa kanya.

"Wag na, nakaligo na ako bago kami pumunta dito." nakasimangot nyang sagot.

"Tara na mga totoy at mga ineng umahon na kayo dyan, nakapag luto na kami ng tanghalian natin, kasi alam ko naman mahihirapan kayong makahuli ng isda." natatwang usal naman ni Tatay.

Umahon na kami at kinuha na yung mga gamit na ginamit namin kanina. Sabay na kaming naglalakd pabalik sa bahay.

-----

B A H A Y

"Sige na mga bata umakyat muna kayo at magpalit ng damit, ayusin ko lng yung tanghalian natin" utos samin ni Tatay.

"Magbanlaw na kayo sa taas, tulungan ko lang si Tatay maghanda sa kusina," at sumunod na din si Nikki sa kusina.

Kaya naman sabay na kaming lima umakyat sa taas.

"Hoy pansin nyo ba si Nikki ang tahimik, hindi kaya may sakit yung isa na yun?" tanong samin ni Nico habang paakyat kami sa taas.

"Wala lang sa mood yun, dahil nga diba hindi nya nagustuhan yung ginawa nating pangingisda" Aira

"Ok nga at tahimik, hahaha" Arail

"Dapat ikaw din Arail, hahaha, para talagang tahimik" pangaasar ni Nico.

 "Letse ka Nico, kaltukan kita dyan eh!" Sigaw na pahabol ni Arail bago kami pumasok sa kwarto namin.

"Hahaha kahit kailan talaga ang sarap asarin nun ni Arail" natawang sabi ni Nico 'Pasalamat siya at hindi nakalapit sa kanyya si Arail kundi nakatikim talaga ng batok sa isang yun' bulong ko.

"Anong sabi mo bro?" iling na lang sagot ko.

"Sige una na muna ako magbanlaw" nag pauna na siyang pumasok sa cr. habang nahihintay akong matapos siya, kumuha muna ako ng pamalit na damit sa dala kong bag.

Naupo muna ako sa isang upuan dun at humarap sa bintanang sarado.

'Kamusta na kaya siya? sana makita ko ulit siya mamayang gabi' sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang tapos na palang maligo si Nico

"Boooo!" Gulat nya sakin. "Bro lalim ng iniisip mo ha? Mag banlaw kana para makababa na tayo, nagugutom na ako"

Tumayo na ako. "Mauna ka ng bumaba, wag mo na akong hintayin dito." sabi ko bago pumasok sa loob ng cr .

"Ok sige, bumaba kana din agad tapos mo dyan, baka mamaya mag muni muni ka pa tungkol dun sa babae mo ha, hahaha" Dinig kong sigaw nya bago lumabas ng kwarto. 'Napaka alaskador talaga nung isa na yun.'

Saglit lang din akong naligo, nagmadali na akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.

Nakita kong kumpleto na din ang mga pinsan ko.

"Totoy maupo kana para makakain na tayo ng sabay sabay."  utos ni tatay Jess. Pagkatapos magdasal para makagpasalamat, nag umpisa na kaming kumain.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon