Chapter Three

18K 348 10
                                    

A/N: May mga times na magiging weird yung spelling ng ibang words diyan kasi lintek na MS Word yan, ang hilig sa auto correct =___=

***********************************************************************************************************

Chapter Three.

“Ano ba? Let go of—"

Napa-OH MAY KALABAW NA MUKHANG DILIS! ako. Alam niyo na kung sino yung humawak sa braso ko at kulang na lang ay pumutok na ang mga ugat ko sa sobrang higpit ng pagkahawak niya.

“Hello sayo”

Nag-hello na nga lahat lahat hindi pa din binibitawan ang braso ko. May lahi ata tong kabute at biglaang sumusulpot kung saan-saan eh.  

“What the heck do you want?”

Yung ‘friends’ na kasama niya napa-WOAH sa sinabi ko. Actually, hindi sila mukhang ‘friends. Mukhang taga-sunod lang sila ni Josh.

“Akala ko ba wala kang kilalang Josh?”

OH NO! KAILANGAN KO NG MAGANDANG PALUSOT! HELLPPP!

“I don’t know what you’re talking about”

In-eenglish ko na baka sakaling matigil. Sana effective 'to. Nag-eeffort ako mag-english dito! Nilabas niya ang kanyang cellphone na mukhang pang-mayaman. TAKE NOTE, PANG-MAYAMAN. Mayaman ba talaga to? Pagkatapos , pinakita niya sa akin yung Messages.

“Oh,anong gusto mong gawin ko diyan? Kainin ko?”

Nag-poker face si Chloe. Aba, siya may kasalanan kung bakit nandito yung mga mokong na ito.

Nag-smirk siya. ANAK NG TINAPANG SMIRK YAN. Hindi siya yung tipo ng smirk na kikigilin ka. Yung parang gusto mong ihampas sa pagmumukha niya yung hawak hawak niyang cellphone?

“Ayos ka din eh noh? Sabi ko sayo susunduin kita ng 4pm para makipag-kilala ng maayos tapos bigla kang aalis? Akala mo siguro may takas ka sa akin”

Aba, kung makapag-salita naman ito! Feeling mo tatay kita or parte ka ng pamilya ko? Excuse me, ang layo naman! Okay, aaminin kong naging bastos ako, pero DUH? Nakakatakot kaya siya. Mamaya baka biglang mag-labas ng kutsilyo si Josh at biglang pag-tatagain yung leeg ko,diba?

“I’m not interested with guys like you” Sabay walk-out. Oh, walang aangal! Daig ko pa ang artista!

Tinakbo ko na ang Girls’ Bathroom. INHALE-EXHALE-INHALE-EXHALE. Tila nag-yoyoga ako dito sa banyo. Habang busy ako sa pag-yoyoga sa harap ng salamin, bigla namang pumasok si Chloe at naka-poker face pa talaga siya.

“Medyo nabastos sila Josh sa ginawa mo. Mag-sorry ka kaya”

 Ako pa ngayon mali? ANO BA 'TO! LAGI NA LANG AKO MALI! Kinakampihan pa ni Chloe sila Josh! NAKO NAMAN TALAGA.

 “Kung sila rin lang ang kakampihan mo edi sa kanila ka sumama!!”

 Intense drama na ang ginagawa ko ah. At least makakuha ako ng parangal na “Best Actress of All Time”

“Hindi ko sila kinakampihan. Ikaw best friend ko kaya natural lang na ikaw kakampihan ko. Kaso mali lang talaga ginawa mo. Pag andito sila Tita sasabihin din nilang mag-sorry ka”

Gamitin daw bang dahilan ang mga magulang ko?

“Lumabas ka na nga. Kakausapin ko pa sila Kuya. Baka mamatay pa sila sa kaka-alala sa akin eh”

Edi lumabas na siya. Napa-sama ata yung pag-kabanggit ko ng ‘Lumabas ka na nga’ tunog siga eh. Sorry talaga Chloe pero partly tama naman ang ginawa ko diba? Parang hindi naman kasi tama kung ibibigay mo ang number mo sa isang taong hindi mo naman talaga totally kilala and not to mention that the guy is like a stalker and serial killer combined in one body!

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now