Chapter Thirty Five

6.8K 96 5
                                    

Chapter Thirty-Five.


Normal naman ang gising ko ngayong araw. Except na nga lang sa ibang bahay ako natulog kagabi. Sanay nanaman ako na makita ang mala-halimaw na tulog ni Chloe kaya parang wala lang sa akin kahit nasa bahay ako ni Caleb. Naligo na muna ako at nagbihis for school. Pinadala din kasi ni Chloe yung mga uniforms namin. Ibig sabihin, walang laman yung dalawang maleta na dala-dala ni Chloe kundi mga pang-alis ko at pang-bahay.

“Morning”

Bati sa akin ni Caleb habang kumakain. Naka-bihis na siya. Si Chloe naman, kakagising lang nung pagka-labas ko galing banyo.

“Morning din”

 Umupo ako sa tabi niya. Kumuha ng makakain at nilagay sa plato ko. Nakatingin lang siya sa akin the whole time. Nakakatawa pero nakakailang.

“Staring. Is. Rude”

Napa-ayos naman siya ng upo.

“Sabi ko nga. Rude yun.  Kamusta naman tulog mo?”

Sumubo na ako ng spaghetti na naka-handa. Infernes ha, ang sarap! Nakakamiss tuloy ang luto ng dearest chef namin. Feeling ko nag-eemote na yun kasi walang matakaw na banat ng banat sa mga niluluto niya which is ako.

“Okay lang naman. Sino ba namang hindi makakatanggi sa king-size bed ng guest room? Sobrang lambot pa. Ano ako nasa isang 5-star hotel?”

Biglang umurong yung dila ko. What the hell. Naalala ko nung nag-Subic kami ni Josh. Okay, para akong tangang ngumi-ngiti doon.

“HAHA. Sabi ko nga. Sabay na tayong pumasok, ha? Classmate naman kita eh”

Sabagay. He has a point. Tsaka mas okay na sabay kami at baka magkasalubong pa kami ni Josh.

Hay, tapos dadalhin pa namin ni Chloe yung gamit namin dun. Mag-dodorm na eh. Na-settle na ni Kuya lahat kasi tinawagan ko siya kagabi. Nag-padala siya ng  mga pagkain at maiinom sa ref. Pinalinis na rin niya. May sarili daw yung CR na saksakan ng dumi kaya kulang na lang maubos ang isang truck ng Mr. Clean para matanggal yung dumi.

Medyo matagal-tagal na kasing hindi nagagamit yun kaya nag-mistulang abandoned factory yung kwarto. Sinendan pa nga ako ni Kuya ng before and after picture at talagang  namangha ako. Nagawa nila yun within one day? May new pintura na, at maraming mararangyang furniture and those kind of stuff. Nagpalagay na din ng insect repellant at sinigurado pa talaga ni Kuya na walang pesteng makakalusot sa kanila. Brutal masyado sa mga peste yun eh.

“HEY! Kain na tayo!” - Chloe

“Tapos na. Hinatayin ka na lang namin diyan” - Ella

Umalis na kami sa dining table nilang pagka-haba haba na mas mahaba pa ata sa isang milyong ruler.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now