Chapter Forty One

6.8K 138 2
                                    

A/N: Dahil lagpas 700 na tayo, eto na ang update. XD


**********************************************************************************************************


Chapter Forty One

“Goodmorning, Ella”

“Josh? Anong ginagawa mo dito sa LIBRARY?”

“Ako? Wala lang. Belated Happy Ex monthsary nga pala”

 Anak ng elepante naman oh. Nang-aasar ba to? Pasalamat siya nasa library kami at baka natapon ko na sa bintana itong ungas na to. Kapal.

“Same here”

Ang date ngayon? September 16. Kaya nga Ex monthsary. Sinagot ko nga siya ng August 16 diba? Which is exactly my birthday. Grabe kung kami pa rin ngayon mga 2 years at 1 month na kami by now. Parang ang laking kawalan naman nito. 3 months na nga lang pala ang natitirang time na binigay ko kay Josh at aaminin kong hindi ko malaman kung sino ba ang mas lamang right now kasi sabay kaming nilalapitan ni Josh. Mukha ngang sineseryoso niya masyado yung sinabi ko. Isa lang ang masasabi ko, sana ako ang piliin niya pero alam ko namang malabong mangyari yun kasi nga dedz na dedz siya sa pinsan ko. Hindi ko naman masisi yun kasi aminado naman akong maganda talaga siya kahit medyo may ugali. Knowing Josh, puro ganda lang ang hanap nito sa babae. Siya ang dakilang Chickboy ng school diba? Speaking of school, nasapian ata ito ngayon at naisipang dumalaw sa library. Nandito ako ngayon kasi nag-reresearch ako for some project at naka-aircon rin dito kaya masaya rin. Chloe’s not here with me. Pinagsama ko muna silang dalawa ni Dennis at baka isipin pa nilang sagabal ako sa kanilang relasyon.

“So, you’re alone?”

“Nope. I’m with my books, laptop, papers, tables and chairs”

“Ang corny mo, Ella. Ano ba yang ginagawa mo?”

Kinuha niya yung isang upuan tapos tinabihan ako. Yung pwesto niya yung upong pang-tamad talaga.

“Programming. Project yan eh. Actually tapos na yung drawings and stuff. Role ko kasing i-combine lahat to make it a game. Nasa gitna na ako ng process and so far it’s good”

“Tulungan kaya kita?”

 Inakbayan naman niya ako tapos kinuha yung mouse. The hell. Ang kulit talaga nito eh.

“Bahala ka. Pero pag nasira yan ikaw gagawa lahat”

“Sige ba. Magaling naman ako mag-programming eh. Sabihin mo lang kung ano ba yung dapat itype tapos ako na bahala”

 At nagmamayabang pa ang loko ha. Feeling niya naman napaka-galing niya. Okay, aaminin kong magaling talaga siya mag-programming. Nalalalamangan niya ako ng grade pag yun ang ginagagawa eh. Alam niyo naman. DoTa freak siya.

***

“Oh, okay na ba itong ginawa ko?”

“Yup. Ang galing ng pagka-edit parang totoo. Paano mong ginawang 3D yun? Hanggang 2D lang kaya ko. Kainis ka talaga! Lumamon ka siguro ng Computer kaya ang galing mo mag-programming!”

“Malay mo kumain talaga ako ng computer. HAHA! Teka, since wala ka namang kasama, I’ll treat you Lunch tapos ihahatid na kita sa bahay niyo. Game?”

“Paano pag ayoko?”

“Bubuhatin kita palabas ng school at papunta sa sasakyan ko”

“Kikidnappin mo ako?”

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon