Chapter Twenty Five

8.5K 154 7
                                    

Chapter Twenty-Five.


Ella’s Part


TODAY IS THE DAY! Birthday ko na! FINALLY! I’m 17! Super saya. Kahit ang tanda ko na.  Anyway, nakita ko na lang na naka-sabit ang gown ko sa closet. Ay, si Chloe nga pala ang kukuha nito. Speaking of, grabe nakakaloka kahapon! Ang  bilis pumick-up ni Josh! GRABE! Kaso nga lang, sumablay siya sa Mathematics. Sumakit daw ulo niya dun. Kaya pala C lagi ang grade niya Math. Hirap na hirap pala siya dun. Sabi niya wala daw siyang balak mag-paturo tapos bigla na lang nagbago ang isip. Weird nga niya eh.

Iba pala ang feeling pag nakasama mo yung taong gusto mo ng  one day. Iba talaga ang feeling. Nung una medyo naiilang pa ako pero nung gabi na, nawala lahat ng masamang nararamdaman ko sa kanya. Except na nga lang nung nag-pumilit siyang sa sofa matutulog. Ang weird pa dun para bang may bumulong sa aking ng I love you, Ella. Ewan ko ba kung si Josh yun. Parang na hindi eh. Basta! Or baka nananaginip na ako nun?

May pasok ngayon pero half-day lang ako. Same as Chloe and the others. Hindi na daw i-cucut off ang classes at hindi naman lahat ay makakasama sa celebration ko. Mostly, relatives lang and friends. May plano kaya para sa akin sila Josh? Sana naman meron! Matapos nilang mag-lihim ng kung ano-ano.

Pagpasok ko sa school, isang battalion na ng mga students ang bumati sa akin. Ang dami ding letters and gifts na hindi ko alam kung saan ko ilalagay! Mas lalo pang dumami ang bumati nung dumadaan ako sa corridor! Pero mostly letters na lang ang binibigay. AND HUGS TOO! Yung mga boys naman hanggang greet lang and letters. Subukan lang nila mang-yakap, kamao ni Josh ang katapat nila. AHAHAHA.

Pagka-open ko naman nung pintuan sa classroom ko, biglang may pumutok na confetti. “HAPPY BIRTHDAAAYYYYY!” Sabay-sabay nilang sinabi. Wow, kalat na kalat ba sa buong school na birthday ko ngayon? Ibang klase ah! Binigyan nila ako ng Bouquet of roses and a pack of chocolates. Ano ba ngayon, Valentine’s day or birthday ko? Mostly ng natatanggap ko ay roses at chocolates eh.

Pagka-upo ko sa upuan, bigla akong kinausap ni Caleb.

 “Happy 17th birthday, Ella!”

He handed me a small red box. Square ang shape niya. I wonder that this is.

“Open it” Ngumiti siya sa akin. Of course, I opened it. Hmm, necklace siya na may letter J.

“J? Why J?”

 “J as in Josh” What? O_o

“Bakit naman Josh? Pwede namang G for Gabriella”

“Basta maiintindihan mo din yun. Basta mamaya, umaaligid ako sa party mo mamaya just don’t look for me”

“Why not? Ay, thank you pala for the gift. I really appreciate it” Binalik ko na yung necklace at baka masira ko pa. And, what will happen naman? Ano ba to! Wala nanaman akong alam. As usual.

Biglang may nag-open ng pinto. BINALIBAG PA! Si Chloe. Todo ngiti nga siya eh. Sigurado akong past 10pm na yan nakadating sa bahay.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon