Chapter Twenty Two

9.5K 145 7
                                    

Chapter Twenty-Two.


Ella’s Part


Grabbbeeeee, halos wala na akong lines sa last Chapter! Pero okay lang. Babawi ako! AHAHAHA. Ano kaya ang na-miss ko? Mamaya marami na pa lang nangyari kahapon. Tsk. Kung kelan wala ako! Pumunta kasi ako sa bahay nila Tita Caroline. Sorry, ako na talaga paulit-ulit.

ENJOY AKO DUN SUPPPPEEERRR! Ang kulit kulit ni Daniel! Ang sarap i-uwi eh. AHAHA, kaso di pwede.  Dapat kasi andito na lang si Anthony or Jason eh! Wag lang si Kuya. Panira ng buhay yun eh. Riot parati pag nagkakasama kaming dalawa.

On the way na ako pauwi. Pero papasok ako at 12 noon. EXCITED NA AKONG MAKITA SI JOOOSSHHH! Hindi ko siya nakita ng isang araw. Gusto ko siyang yakapin pag nakita ko siya. AS IIINNN. Kung kaya ko lang sanang gawin yun diba? Sana naman kasi sobrang kapal ng mukha ko eh. Joke, baka naman mas makapal sa pinag-sama samang Encyclopedia ang mukha ko nun.

Okay moving on, kasama ko ngayon sa sasakyan si Daniel. Tinuturan kong mag-tagalog. Hindi pa kaya eh. Pero ang cute niya! Sobra. Mukha siyang anghel. Nako baka hindi ko na to pabayaang umuwi mamaya. AHAHAHA. xD He’s too cute! Ang swerte naman nila Tita may super duper cute na anak. Pero baka mahirapan si Daniel sa future. Sobrang daming admirers nito for sure na yun. Aba, dadaan muna sa akin ang magiging asawa niya noh. –insert evil laugh here-.

Nakadating ako sa school mga 11:15am na.

“Ate, sama ato ta luob” (Ate, sama ako sa loob) SHOCKS, ANG CUTE TALAGA NI DANIELLLL!

“Tita, pwede ba?”

“Basta ba iingatan mo si Daniel. Hmm, sige na  nga! Dito lang kami sa labas. Mag-iikot”

Pumasok na kami ni Daniel sa loob. Manghang-mangha siya sa laki eh. AHAHAHA. Tinanong niya ako ng kung ano-ano tungkol sa school. Nako Daniel, wag kang excited pumasok at baka mag-sisi ka sa huli. Joke. Pero swear, medyo nag-sisisi ako at nag-aral pa ako. xD Sabagay, lahat naman siguro.

Dumiretso kami sa Cafeteria kasi gutom na daw si Daniel. Infernes, choosy siya sa food. Spaghetti yung gusto niya. Ako naman, sandwich lang. DIET EH. Malamang, tinulungan ko na siyang kumain. Nag-stay pa kami dun hanggang 12. Alam ko naman na didiretso sila Josh dito.

Nang mga 12PM na, pumunta na sina Tita sa Cafeteria at kailangan na daw nilang umuwi. UWAA! SI DANIEEEL TT_____TT

“Ella, kukunin na namin si Daniel. It’s time to go home na eh. Next time na lang okay?”

“Aww, okay Tita. Ingat po kayo. Goodbye din sayo, Daniel”

“Ba-bye din Ate Ella” Grabe, masyado na akong na-aapektuhan ng cuteness ni Daniel~!

Naiwan nanaman ako dito mag-isa. Asan na ba kasi sila Josh?! Nako, makalabas na nga kesa nag-eemote ako dito. Hmp. Dapat kanina pa sila nandito eh! Lumabas na ako sa Cafeteria. Nag-sisimula na ding mag-datingan ang mga students. Still, no sign of Josh anywhere. Gosh, this is depressing.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon