Chapter Nine

12K 206 7
                                    

 A/N: Kalurkey naman masyado 'to. =)))

Ang dami pa lang chapters ng NMWG. =_________=

38 Chapters to go! HAHAHHAHAHHA.

**********************************************************************************************************

Chapter Nine.


Josh’s Part


1 week and 3 days na simula nung ginawa namin yung deal. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nag-aaksaya ng panahon dun kay Gabriella. Eh alam naman ng buong mundo na wala akong pag-asa sa kanya. Friday ngayon at niyaya kong makipag date si Gabriella. Dun kami sa dating restaurant na kinainan namin dati. Mapilit kasi tong si Gabriella eh.  Ang food ngayon? Korean food.

“So, seryoso ka talaga sa sinabi mo na mahuhulog ang loob ko sayo before the year ends?”

“Mukha bang imposible? Hindi naman ah. Sa dina-daming babae na ang naging girlfriend ko tingin mo ba hindi ko pa alam ang ayaw at gusto ng mga babae?”

“Unfortunately, I’m not one of your girls”

Eto nanaman! Nag- eenglish English nanaman siya! Naiintindihan ko na laking America siya pero nakaka-nose bleed kaya! Nasa Pilipinas tayo, oy!

“Anong plano mo ngayon after eating lunch?”

“Movie tayo. Treat ko siyempre”

“Ako pipili ah!”

Hindi ako maka-hindi sa kanya. Plus points daw yun eh. Sabi ni Ivan.

Romantic na Comedy na Action yung movie na pinili niya. Ganun pala type niyang movies. Ayaw nga niya talaga ng Horror movies.

Natapos na yung movies at mukhang tuwang-tuwa siya sa movie na pinanood niya. Niyaya ko siyang mag timezone. Buti na lang pumayag siya. Una, naglaro kami ng Table Hockey. Galing niya tumira! Pero nakakahiya kasi lagi akong natatalo.

“Galingan mo naman! Ang boring mo kalaro eh”

“Expert ka dito eh. Araw-araw mo ata tong nilalaro”

“Hindi ah. First time ko nga toh eh”

First time? Halos shoot nga siya ng shoot eh. First time daw. Sinong niloloko niya?

“Kung gusto mo, mag- basketball ka. Papanuorin na lang kita. Pede ka din namang mag-enjoy eh”

Tunog mabait yun ah. Himala ata toh. Sige, makapag basketball na lang. Mas magaling pa ako dun kumpara sa Table Hockey.

Kagaya nga ng sinabi niya, manunuod lang siya.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Kde žijí příběhy. Začni objevovat