Chapter Forty Nine

8.2K 112 3
                                    

Chapter Forty Nine

Time fast forward.

It’s been a week since I last saw Josh. And guess what? It’s  December 24 today. Yep, today is the day. Eto na ang tinakdang araw para malaman namin ang desisyon ni Josh. Well, hindi naman siya exact as in today since 12AM siya mag-dedecide pero pwede na rin yun. Sabi ng iba, ang tanga ko daw dahil hindi ko man lang nararamdaman na obvious na ako ang pipiliin ni Josh. Pero, ayokong umasa. Ayokong masaktan. I want to hear it from his own mouth, his own words. Kaso, nagka-topak nanaman yata sa utak si Josh kaya ayun, nawala ng parang bula. Missing pa rin siya hanggang ngayon. Nagpatulong na nga kami sa pulis pero wala pa rin talaga eh.

Nag-text lang ako sa kanya kagabi at sinabi ko na  may ‘change of plans’ para mamayang gabi. Stefanie and I decided to be in different places at the same time. I’ll be at Eastwood and si Stefanie ay sa Megall. Pupunta kami dun at around 11:30PM and ang estimated time of arrival ni Josh ay mga bandang… 11:45PM. Hindi kami sure kung makakapunta or pupunta siya pero what will kung hindi nga talaga siya pumunta? I guess… aalis kami pareho ni Stefanie. Ako, sa States. Siya naman sa Rome. Ewan ko kung bakit niya gusto sa Rome pero sabi niya, maganda daw dun so, dun na daw siya. In short, pareho kaming aalis if ever hindi susulpot yung mokong na yun.

“Grabe! Na-faufraustrate na talaga ako! Ugh! Todo-todo na ang pangtritrip nila ah” - Ella

“Chill! Impossibleng di darating yun noh” – Chloe

“Eh paano nga pag di dumating? I can’t take risks, Chloe!”

“Edi, siya rin ang mawawalan. Aalis ka, aalis si Stefanie… oh diba? Quits lang!”

“Thank A LOT, Chloe. Ang laki ng natulong mo sa buhay ko! Bravo!” Sinabayan ko naman ng pag-irap.

“Ayan nanaman yang irap-irap something mo ah! Basta pumunta ka na lang mamaya to make sure. Malay mo naging busy lang siya or sa sobrang excited nadulas at nabagok ang ulo diba?

“Patawa ka rin eh noh? Mas delikado naman pag na-aksidente pa siya. Mas tatagal pa ang pag-hihintay!”

“True love can wait noh!”

“Anong true love can wait? Kelan pa natuto mag-ganyan? Yung kay Dennis nga eh, sobrang atat mo nang maligawan ka. Can wait daw… Tigilan mo ako niyan”

“Ay ang sunggiiittt. May PMS ka, Ella?”

“Corny? Alam mo…” Napatigil ako nang biglang nag-ring yung cellphone ko:

You got a message

Nae maeumeul jeok ji

A message

Nan oneul do bameul sae ji

Munja jom, sshib jima

Dab jangeul nan gidaryeo

(Message by MyName) (Yes, KPOP fan ako :)) )

Napasigaw ako ng makita kong nag-flash sa screen ko ang “One Message Received From Josh Martin”

“Seryoso? Si Josh?!”

Eto lang ang nakalagay sa text:

Ok, see you.

“Nakngtilapya oh! Yun lang? SEE YOU?! DaF?” - Chloe

“Bakit ang init ng ulo mo, Chloe? Parang sayo ina-address yung message eh” - Ella

“Ikaw hindi ba mainit ulo mo? Tingnan mo text niya! SEE YOU?!”

“Okay lang yun… ang importante, nag-text siya” Napangiti naman ako. Now, atleast alam kong andyan siya diba?

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon