Chapter Thirty Three

6.5K 108 8
                                    

Chapter Thirty-Three.


Today is the day. Birthday ko nanaman. Wow. Hindi naman ako sobrang excited ano? Kakatext lang din sa akin ni Kuya. Papunta na daw sila sa bahay kaya todo-linis na kaming lahat. Gumawa pa ako ng banner na welcome home tapos may konting designs pa sa gilid.

“It’s today! Grabe, I’m so excited!” - Chloe

“Mas lalo naman ako diba? Super duper! Pa-abot nga ng glue diyan sa gilid”  - Ella

Inabot naman niya sa akin at dinikit ko na yung last piece ng design. Happy face lang naman yun.

Yung  mga babae sa loob ang duty. Mag-luluto, gagawa ng mga banners. Tapos yung mga lalake naman ang bahala sa paglilinis. Yung mga gardeners sa labas, malamang. Sila Josh naman eh nag-wawalis. Natatawa nga ako kasi ngayon ko lang nalaman na marunong pala sa gawaing bahay ang lalakeng yun. Akala ko puro mukha lang ang pwede niyang ipakita eh. May kaya rin naman pala sa gawaing bahay. At least, may karamay na ako sa paglilinis diba? Tsaka sabi niya, pogi points daw yun at gusto lang daw niyang ipakita na willing siyang tumulong sa akin. Particularly, household chores. Ang hirap naman nun kung puro babae lang ang gagawa ng mga gawaing bahay tapos mga lalake, relax relax lang.

Wala ding party na magaganap ngayon. Actually dapat meron. Pero since one year na kami ni Josh, napag-isipan naming dalawa na kami na lang ang mag-cecelebrate. Tapos bukas na lang together with my family. Hindi na siguro masama ang plano namin at panigurado namang naintindihan na ni Kuya yun. Si Anthony naman, payag na din. Siya pa nga ang una kong kinausap about dun eh. All-set na for today’s event. Ang kulang na lang ang brothers ko at si Ate Mae.

“Grabe, ang aga-aga pinag-babanat niyo ako ng buto!” - Ivan

 Umupo na yung mga lalake sa tabi namin pero pinag-bihis muna namin sila at amoy athlete na sila sa sobrang… let’s say sagana sa pawis ang katawan nila kaya pinaligo na muna namin.

***

“Okay na ba suot ko?”  - Josh

Sabay naman kaming lumingon ni Chloe kay Josh. Napanganga na lang ako nung nakita ko siya. OMG. Bakit ba ang gwapo niya?

Kahit simple lang ang suot ni Josh, laglag panga pa rin talaga ang itsura niya. Naka-blue checkered polo. Yung usong polo ngayon? Pati nga mga babae nag-susuot na din ng ganon. Ako nga, i-trtry ko pag may nakita akong ganon. Ang cool kasi tingnan eh at sobrang bagay pa talaga kay Josh. Tapos medyo naka-taas yung buhok niya tapos may silver necklace siya sa leeg na naka-lagay ay letter G. Tingin ko, bigay ni Caleb yun. Diba may J din akong necklace? Tapos naka-blue rubber shoes din.  Bahala na ang tao kung paano niyo ma-pipicture out ang itsura niya. Basta ang masasabi ko lang eh, he’s super hot and handsome. No lies.

“ANG GWAPO MO!” - Ella

Tinawanan naman ako. Pasalamat na nga siya at pinuri ko pa eh.

“Salamat!” - Josh

“Sige, mag-bibihis na din ako” - Ella

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now