The Lost Chapter.

10.3K 136 10
                                    

ETO NA! TUNAY NA TALAGA 'TO! 

Nakaka-badtrip kasi yung ibang readers eh -_______-

***********************************************************************************************************

Final Chapter.

Senior year.

Ang daming nangyari simula nung dumating ako sa Pilipinas. Naloka na ako sa lovelife, lahat na ng klase ng tao nakasalamuha ko pero overall, nag-enjoy ako. Ang dami kong natutunan. Ang dami ko ring natuklasan. Ang dami kong naramdaman. Basta! Ang importante, hindi ko ni-reregret ang pag-punta ko dito. Tama ang desisyon kong mag-stay dito. Dahil dito, nakilala ko ang taong bubura sa pait ng nakaraan at ang magbibigay tamis sa kasalukuyan. Naks, gumaganon na ako oh! Siya lang naman si Joshua Jay Martin. Matagal ko na siyang boyfriend mga… 3 years since nung nagka-problema kami tapos yung one year pa edi 4 years ko na pala siyang boyfriend. Grabe, ang bilis ng panahon. Gra-graduate na pala kami.

“Ella! Ang laki mo na ah!”

Sabi ni Kuya Darryl ng pabiro. Yep, nandito ang buong pamilya ko ngayon. First time ring pumunta nila Daddy and Mommy dahil ito raw ang isang pagkakataong hindi nila pwedeng palampasin kaya nag-leave sila for 2 weeks tapos babalik din sila agad sa States.

“Kuya, lumiit ka ata ah!”

“Weh? Baka tumangkad at gumwapo pa!”

“Maniwala ako sayo! Mas gwapo pa nga sayo si Jason eh”

Grabe, ang laki na ni Jason. Pero ayun, nag-IIPad na lang sa sulok at parang may sariling mundo. Mainit yata ulo niyan eh.

Nakakamiss ang mga ganitong moment, magkakasama kaming magkakapamilya, nagtatawanan, nagkwekwentuhan… isa talaga ‘to sa mga pagkakataong pinaka-mamimiss ko sa lahat ng bagay.

“Hi Tita, Tito, Kuya Darryl, Jason!”  - Josh

“Uy, pare!”

Nagkamayan moment pa talaga ang mga loko. Pansin ko lang, super close na nila Josh and Kuya Darryl. Para na nga silang magkapatid eh tapos sila Mommy naman, anak na ang turing kay Josh dahil sabi nila, impossibleng hindi pa kami magkatuluyan dahil  biruin mo? 4 years na kami eh. Pero ako naman, agree din sa kanila. J

“Ay, tara alis na tayo at baka mawalan pa tayo ng upuan”

Si Kuya ang mag-dridrive ngayong araw. Wow, first time ah! Ay, kanina ko pa pala pinagkakaguluhan ang first ever pamangkin ko sa sinapupunan ni Ate. Nararamdaman ko nga yung pag-sipa niya eh.

“Ate Ella…”

“Bakit Jason?”

“Mamimiss talaga kita pag grumaduate ka na. Baka kasi hindi ka na umuwi sa bahay eh”

“Ako? Hindi uuwi? Nako, impossibleng mangyari yun noh. Tsaka, kailangan marunong kang lumingon sa pinaggalingan upang makarating sa paroroonan. Kaya never ko kayong kakalimutan. Okay na ba yun?”

“Promise yan, Ate?”

“Naman!”

***

Isa ito sa mga pinaka-memorable na pangyayari sa buhay ko. Ikaw ba naman ang grumaduate ng college?

“Best friieennndd! Lumelevel up sa buhok ah”

“Ikaw rin naman ah. Ay congrats ah!”

“Congrats din!”

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now