Chapter Seventeen

9.6K 167 6
                                    

Chapter Seventeen.


Josh’s Part


Andito ngayon si Ella sa bahay. Ang cute naman niya matulog. Kanina pa ako nakatingin sa kanya eh. Wala lang. Di ko kasi mapigilan sarili ko eh.

After exactly, 1 hour, 3 minutes and 27 seconds gumising na siya. Ang cute niya pa din humikab. Haha, grabe ang weird ko. Pati pag hikab niya pinapansin ko na din. Hindi ko alam kung bakit ganun. Lahat na lang pinapansin ko tungkol kay Ella. Pati na din yung feeling na ayaw mong galit siya sayo? Parang sobra kong dinadamdam kung hindi niya ako pinapansin. Kagaya na lang kanina. Bigla na lang nananahimik. Tapos nakatulog pa sa sasakyan. Oh san ka pa? Grabe talaga.

“Good MORNINGGGGGGGGGG!” - Josh

Inirapan lang niya ako. Wala pa ngang ginagawa yung tao eh!

“IKAW NANAMAN?! Teka nga asan ba ako—“

 It’s always me, Ella. Lagi naman ako eh. Lagi namang ako yung nangungulit. Bakit ikaw? Hindi mo naman ako kinukulit. Di ko nga malaman kung may gusto ka ba sa akin. Tapos ako na nga tong nag-eeffort na makipagclose sayo ayaw mo pa. MASAMA BA? I want to know more about you. Other than the bungangerang Ella na matagal na matagal ko nang kilala. Gusto kong makilala yung gentle na Ella. Yung ugaling Ella pag kausap si Dennis o Caleb.

“Lagi naman talaga ako eh. Andito ka ngayon sa bahay. Hindi mo na maalala? Nakatulog ka sa sasakyan. Dinala na kita dito para ma-solo naman kita kahit sandali lang”

Gusto ko siya ma-solo kasi this past few days parang lagi na lang kami nag-babangayan. Minsan kahit nakita lang niya ako bigla na lang siya magagalit tapos aalis. Ganun ba talaga kapangit itsura ko pati mood niya nababago din sa tuwing dadating ako?

“Ano nanaman bang problema mo?” I just want to TALK!

“IKAW. IKAW ang prinoproblema KO. Hindi ka kasi namamansin. Siguro nagseselos ka sa admirer ko kanina.”

“Selos mo mukha mo. Asa ka namang mangyayari yun.”

Nilapit ko mukha ko sa mukha niya. Siyempre nag-smile ako. Kasi laging napapatahimik si Ella pag ginagawa ko yun. Kaya nga parang yun na yung advantage ko sa kanya.

I whispered in her ear, “Basta ba lagi mo lang tandaan na sayo lang ako…


Gusto niyo ba malaman kung totoo yun? Yes, it’s true. Pero hindi ko siya gusto as in gusto. Crush lang pero hindi pa umaabot dun sa level na pang-iba na talaga. Hindi ko nga inaasahan na ma-dedevelop ako kay Ella eh. Kasi sa lahat ng babaeng nakilala ko sa buong talambuhay ko siya na ang pinakamalala. Unang una bungangera. Parang ulam niya buong araw tatlong microphone? Wagas makasigaw eh. Anong tingin niya sa akin bingi ako? Hindi kaya. Rinig na rinig ko lahat ng sinasabi niya.

Naramdaman ko na ngumiti si Ella. See? Basta ba marunong ka bumanat. Este, marunong ka maging honest sa taong gusto mo. Pero sigurado naman akong hindi niya yun dinadamdam. HINDI NIYA AKO GUSTO KO! Kahit pa siguro baliktarin ko pa ang mundo hanggang ‘playboy’ na lang ang tingin niya sa akin.  Kung gugustuhin naman niya, magbabago ako eh. KUNG GUGUSTUHIN NIYA. TAMA NA NGA! Masyado na akong nagiging cheesy.  Araw-araw naman ata ako cheesy eh. XD.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें