Chapter Twenty Six

9.1K 128 2
                                    

 Chapter Twenty-Six.


Ella’s Part


Matagal-tagal na din nung sinagot ko si Josh. Mga… 6 months ago? Grabe bilis talaga ng oras. Di ko man lang napansin na 6 months na pala ang nakalipas eh sobrang enjoy ko pa naman tuwing kasama ko si Josh! Inasar ko pa nga siya a day after ko siyang sagutin.

Sabi ko, “Ayan sinagot na kita sa silent panliligaw mo!”

Tumingin siya sa akin mukhang nainis tapos SINIGAWAN BA NAMAN AKO?! According to him, ANG MANHID KO DAW. Eh sino ba kasi yung nagsabing lolokohin ako, ako ba? Hindi naman eh. Pinapa-ariba kasi ang pagiging pikonin.

Eto pa. Na-shock at the same time natuwa talaga ako pagkapasok ko sa school. Biruin mo, KALAT NA AGAD NA KAMI NA?! Over over ang bilis ng balita ngayon, grabe. Isa-isa daw ba kaming sinabihan ng Congratulations? After din nun, marami daw ang naging mag-boyfriend nung naging kami na ayon kay Chloe ay follow the leader daw. Oh wait. Bago ko pa makalimutan.


BREAKING NEWS: DENNIS GONZALES MATAGAL NANG MAY CRUSH KAY CHLOE?! Wow. Can you believe it? Kung si Josh, lantaran mag-express ng feelings, si Dennis naman kabaligtaran! Tagong-tago talaga. Hanggang ngayon may hang-over pa din ako dun. I mean, lahat naman siguro na-stroke nung nag-confess si Dennis diba?

Ang pinaka-talaga, si Chloe. Kung ako simple hang-over lang, sa kanya aba dinadamdam niya talaga! Tatlong araw pa ang inabot bago makapag-move on? Kaso nga lang medyo na-disappoint siya nung sinabi ni Dennis na wala daw siyang balak manligaw for now kasi studies first DAW muna. Ganon? Anong tawag mo sa amin ni Josh? Pabaya sa pag-aaral. HECK NO. Basta kayo mong i-balance ang study and love life walang problema yun. Ibig sabihin di keri ni Dennis ang love life and studies, COMBINED! Actually, hindi naman talaga nakaka-pressure yun kasi may inspiration ka pumasok.

“Grabe, nakakainggit talaga kayo!!!”

 Here she goes again. Bursting out of jealousy. Kasalanan ba namin na may lahing pagiging nerd ang ka-MU niya?

“Matuto kasing mag-hintay. Alam mo namang BFF si Dennis at ng mga libro niya. Mahihirapang makapag-move on…”

“Hmf! Sige mag-biro ka pa”

“Eto naman! Alam mo, true love can wait. Kung mahal mo handa kang mag-sacrifice at mag-hintay” Nginitian ko na lang siya para may hope pa din naman sa puso niya.

And kasalukuyan kaming nag-bobonding ni Chloe sa isang salon. Mall is the only place we can relax. Kasi pag nasa bahay naman pupunta dun sila Ivan tapos mag-kakalat edi hihigh-bloodin ako kaya it’s better to stay here. Hindi nga alam ni Josh na nandito kami eh. So shh muna kayo. Hihintayin ko na lang tumawag at mukhang eh tulog pa ang lalake. Puyat nanaman siguro yun.

“Sooooooooo, how’s you and Josh lately? Alam na ba ng family mo yan? Baka naglilihim ka na”

“Of course not! Kung sa school kalat na agad, sa States pa kaya? Kuya knows. And since friends naman ang parents naming dalawa hindi sila tutol. Nag-aalala nga lang sila kasi may record daw ng pagiging playboy si Josh which is true”

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now