Chapter Thirteen

10.2K 176 5
                                    


Chapter Thirteen.


Josh’s Part


Kainis! Ngayon wala naman sila Gabriella. Hindi ko alam kung iniiwasan ba nila ako o hindi! Biruin mo kahapon ako yung wala tapos ngayon sila naman?! Nakakainis na sila, grabe. Tss. Tapos lagi ba nila kasama si Gabriella! Nakakainggit talaga. Wait, AKO NAIINGGIT? ANG IBIG KONG SABIHIN, MAS NAGIGING CLOSE PA SILA SA KANYA

“Tapos wala man lang nakaalala na birthday ko ngayon!!”

“Mr. Martin, would you quiet down?”


“Yes, Ma’am”

Ayan, napahiya pa ako! GRAAABBBEEEE, bakit ba ang malas-malas ko ngayon?!

Break na. Finally! Makapag-moment na nga. Naglalakad na ako papunta sa rooftop. Nang biglang….

-BOOOMMMM-


“ANAK NG. TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN—“

Si GABRIELLA?! Diba absent siya?

“Sorry naman diba? Nag-mamadali na ako eh!”

“Diba absent ka?” Nagulat pa siya sa sinabi ko ah.

“AKO? Hindi noh! Tsk. Sige, punta na ako rooftop” Pupunta din siya sa rooftop? Ano nanamang problema ng babaeng toh.

“Anong gagawin mo dun?”

“ABA EWAN KO! Lahat na lang sila nagalit sa akin ng walang dahilan! Nakakabadtrip nga eh. Nag-mamadali na akong makapag-emote sa taas. Baket? Sama ka?”

Wow. Niyaya niya akong pumunta ng rooftop. First time in history toh ah. Ni minsan hindi pa niya ako niyaya sumama sa kanya sa KAHIT SAAN, gusto niya talaga ako ang mag-yaya. Ang arte niya noh?

“Ha? Sige!”

 Hinatak na niya ako. Aba, siya na ngayon ang nanghahatak ah? Dati ako lang yun. Pero, sobrang higpit naman ng hawak niya! Balak ba niyang putukin lahat ng veins ko? Sabi ko na nga, may gusto toh sa akin eh. Kasi naman, hinahatak niya ako sa KAMAY edi parang HOLDING HANDS na din yun.

Nakadating na kami dun. ANOBAYAN! May tao pa.

“Sayang, may tao pa eh. Saan na tayo?” Tumingin siya saakin tapos NGUMITI. As in MOON SMILE. Ang cute nga niya eh.

“Gym tayo! Walang tao dun. Absent si Sir eh. Ano tara?”

Um-oo na lang ako para makapag ‘bonding’ kaming dalawa kasi lagi na niyang kasama yung mga mokong na yun. Kawawa naman ako hindi updated! KAINIS TALAGA.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon