Chapter Forty Three

6.8K 92 4
                                    

Chapter Forty Three

Ella’s Part

Pagka-gising ko, hinanap ko pa talaga si Josh pero siyempre ako nanaman tong parang sira. Bakit ko naman ineexpect na nandito pa din siya sa tabi ko eh in the first place bawal yun kasi hindi kame? Pero nabasag din agad ang katahimikan sa kwarto nang bumukas yung pintuan. Sino pa ba? Edi yung taong pinakamamahal ko at kitang-kita mo na masaya siya dahil abot-tenga ang ngiti niya. Masaya ba siya dahil hindi na kame or sadyang, baliw lang talaga siya o pinanganak na siyang ganyan?

“Good Morning!” - Josh

 Bungad niya sa akin at tuwang tuwa pa talaga siya nung sinabi niya yan ah! Ang sarap batuhin eh.

“Leche ka. Ang aga-aga sumasabak ako sa drama. Nako, baka ma-discover pa ako nito eh” - Ella

“Hala?! Ano nanaman bang ginawa ko? Kadarating ko lang ah”

“Yun na nga eh. Bakit ka ba kase pumunta sa kwarto ko?! I didn’t call you!”

“Ewan ko ba. Para bang may force na nagsabi sa akin na gising ka na at kailangan kitang puntahan kasi baka nagugutom ka na at magiging kasalanan ko pa kung magkakasakit ka sa tiyan”

“Whoah. Ang haba ng sinabi mo pero wala akong naintindihan. Tsaka, ano ka may physic powers? Wag ka nga feeling!”

“Ipapaalala ko lang na kaya ako pumunta dito kasi yayayain kitang kumain kaya mamaya mo na ako sigawan. Kumain ka muna at baka mag-protesta na yang tiyan mo”

 Speaking of rally sa tiyan, nararamdaman ko nga na na-digest na yung lahat ng kinain ko at kailangan ko na i-refill.

“So, what’s for breakfast?”

“Beef Steak and Salad. Wala kase yung mga tao dito. May pinuntahan kasi eh. Sa Venue ata para sa kaininan mamaya. Actually, tayo-tayo lang yun pero pinaghahandaan talaga nila. Ako yung nagluto niyan. Sorry kung masyadong simple. Yan lang ang naisipan ko nung nakita ko yung laman ng ref. Kesa naman itlog lang ang lutuin ko, nakakahiya naman sayo. Tsaka para ka kayang hyena kung kumain”

“Mamaya na kita reresbakan at kakain muna ako. Pero Josh,  at least may kaya kang lutuin”

Tumayo na ako at naramdaman kong mag-rarally na nga ang tiyan ko. Ang kinaibahan lang ng rally sa tiyan sa rally sa kalsada eh, walang pulis sa tiyan kaya bugbog sarado talaga.

“Anong masasabi mo sa luto ko?”

“Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ko kapag sinabi kong, walang pagkaing di masarap sa taong gutom diba?”

 “Anung punto mo, Ella? Nang-aasar ka nanaman ba?”

“Eto naman hindi mabiro! Okay lang naman yung lasa eh. It tastes like an ordinary beef steak and as for the salad, okay lang din”

“Buti naman at nagustuhan mo. Mamaya nga pala pahangin tayo sa labas habang maaga pa”

Oo nga eh. Sobrang aga pa. 5am pa lang ng umaga. Tapos si Josh malamang 4am pa lang gising na yan. Iba talaga pag sa ibang lugar ka natutulog, hindi ka sanay!

“Sure. Tsaka, wag mo ako tingnan ng ganyan habang kumakain ako. It’s very… distracting”

“Staring is rude. I know but if I get to stare on the most beautiful girl on this planet, I’ll never take my eyes of her. Just like what I’m doing right now”

“Naks naman. Ang dami mong alam ah! Wag mo nga ako gawing bola-bola,okay. Matalino ka na. Ang dame-dame mo kaseng alam! Daig mo pa ako. Sige, ikaw na ang the next-Albert-Einstein”

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now