Chapter Eighteen

9K 150 2
                                    

Chapter Eighteen.


Josh’s Part


Dahil napuyat kaming lahat kagabi, hindi na lang kami pumasok. Kasi naman lahat kami gumising ng 2pm. Pinaka una si Ella. Malamang siya unang nakatulog eh. Akala niyo ako noh? Hinde. Nagtulog-tulugan lang ako. Impossible naman na pagkahiga ko tulog na agad. Yung iba ganun pero hindi ako.

Flashback:


Pagkahiga ko dun sa Sofa Bed nag-tulog tulugan ako.

“Good night , Josh”

Yan ang binulong niya sa akin SHHHEEEETTTTT. Biglang tumibok yung puso ko. AS in mabilis na mabilis.

Bumalik na agad si Ella sa higaan niya. Siyempre, hinintay ko muna siyang makatulog. Bumangon ako  after 30 minutes. Nilapitan ko siya.

“Good night din, Ella”

 Pero iba naman ginawa ko. I kissed her on the cheek. Bakit ba? Gusto ko eh, wala namang pakielamanan ng trip!

End of Flashback.


Siyempre, walang kaalam-alam si Ella sa ginawa ko. Na-una kaming dalawang gumising mga 2:10pm yun. Kagaya ng sinabi ko, walang alam si Ella sa nangyari kagabi.

“Gising ka pa din ba kagabi?”

“Hindi na bakit?”

 Gusto kong sabihin, ‘Hindi mo ba naramdaman na hinalikan kita?’

“Wala, wala. Akala ko kasi oo eh”

Hindi na siya sumagot. Sige wag mo ako pansinin. 

Nag-luto na yung chef nila. As usual, marasap nanaman yung luto niya. Lagi naman eh. Tumataba na nga ako dahil sa pagkain kila Ella eh. Araw araw kasi iba ibang cuisine. Kaya hindi ka talaga mag sasawa.

Alam niyo paminsan na-weweirduhan ako kay Ella kasi paminsan sobrang awkward ng atmosphere naming dalawa tapos paminsan naman sobrang close namin. Nakakainis eh. Mas gusto ko pa yung parang sobrang close kaming dalawa kung mag-usap kesa naman na hindi kami nag-uusap.

“Josh...”

“Baket?”

“Pede bang magtanong?”

“Oo naman ikaw pa”

“Pero promise that whatever you’ll say is the truth”

“Promise. Cross my heart and hope to die. Kahit alam mong nasayo na ang puso ko”

“Fine… here goes”

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now