Chapter Twenty Seven

8K 116 7
                                    

Chapter Twenty-Seven.


So ayun. Natapos na din yung pag-bobonding naming dalawa ni Josh at bumalik na sa City. Grabe enjoy talaga ako! Halos naikot na namin lahat eh. Siguro naman may idea na kayo kung ano ang nangyari nung nandun pa kami. Of course, tinodo-todo na namin ang pag-eenjoy which is very relaxing. Na-strestress din naman ako kaka-aral noh! Ikwekwento ko na lang yung pinaka-memorable na nangyari sa amin. Una, nag-close up picture kami sa mga dolphins and trust me, nayamot is Josh nung binasa siya nung baby dolphin and last, sa sobrang pagod ko eh nakatulog na lang ako bigla at pagka-gising ko katabi ko na si Josh sa higaan. Mukha namang matino pa ang itsura ko. Pagkatingin ko naman yung note sa cellphone ko ang nakalagay dun, “Told you I just want to sleep beside you. –Josh”. Gagawin talaga ang lahat magawa lang ang gusto eh noh? Pero okay lang. Bakit dalawa lang ang pinaka-memorable? Kasi yun lang talaga ang tumatak sa isip ko.

Pagkadating ko naman sa bahay, sinalubong kaming lahat nila Ivan at si Chloe naman todo ngiti at tinanong pa ako kung may ‘nangyari’ daw. Nahalata ko din ang ibig niyang sabihin kaya sinabihan ko siya ng SHUT UP! Si Ivan naman, abot-tenga yung ngiti.

“Galing ka bang mental hospital, ha Ivan?”

 Hindi pa din siya sumasagot kaya ayun, nanigaw na ang bungangero A.K.A Josh.

“HOY! KAU—“

Tinakpan ko na yung bibig niya at baka mag-armalite mode nanaman toh. Ang aga-aga eh! Balak pang mag-isakandalo.

“Sinagot na kasi siya ng nililigawan niya” - Gabriel

“WEH?! Yung Marie Jane Anastacio? WOW ‘GRATS IVAN! After uhm….” - Ella

“One year ng panliligaw” - Ivan

Napanganga naman ako sa kanya. WEH?! ONE YEAR?! Ang tindi! Walang suko-suko ah.

“Ano Ella. Nag-iba na ba ang tingin mo kay Ivan?” - Chloe

“Yeah. 75% of it changed. Grabe! PERSISTENT TALAGA! Idol na kita Ivan from now on!” - Ella

“Eh ako?” - Josh

“Ikaw?” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

“Hindi sige di bale na lang. Mukhang hindi naman maganda ang isasagot mo”

“Bakit pa kita kailangang idolize kung mahal na kita? Edi parang ganun na din yun! In a higher level nga lang”

“HAY NAKO! Tigilan niyo ako sa pagiging sweet niyo diyan” - Chloe

Oh right. Nag-sesenti pa pala ang best friend ko. And si Dennis? Ayun katabi niya. Naka-akbay pa nga siya kay Chloe eh.

“Alam mo Dennis, kung aakbayan mo rin lang ang best friend ko, sana pag kayo na diba?”

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now