Chapter Thirty Eight

6.4K 100 14
                                    

Chapter Thirty-Eight.

Darryl’s Part.

Kamusta? First time kong magka-part dito. At least meron ako diba? Hehe. Ako nga pala si Darryl Emerson Mendoza. Kuya ni Gabriella Allison Mendoza A.K.A Ella.

This past few weeks, medyo wala sa sarili si Ella pero through the help of Caleb and the others, bumabalik naman siya sa katinuan.

“Kuya… wag mo sasabihin kay Ate Ella yung condition ko ha” - Anthony

Sabi sa akin ni Anthony. Nung una, unknown pa yung disease but it turned out, it’s cancer. In short, wala ng cure. Ang masakit pa dun, it’s already stage 4.

“ANO KA BA ANTHONY! MAGAGALIT SA ATIN SI ATE ELLA NITO EH!”  - Jason

Sigaw naman ni Jason.

“Ayokong malaman niya. Masyado na siyang nasasaktan sa mga nangyayari. Ayoko nang dumagdag sa problema niya” - Anthony

“Anong gusto mong palabasin? MALALAMAN LANG NIYA KAPAG PATAY KA NA?!” - Jason

“Jason, Anthony, tama na nga yan. Lumabas ka nga muna dito Jason. Ako na bahala mag-explain kay Anthony” - Darryl

 Lumabas naman siya agad. Kaso mukhang labag sa kalooban niya yung gusto mangyari ni Anthony. Na kung tutuusin ay pati ako ay against sa gusto niyang mangyari. KAMI? Maglilihim kay Ella? Mas mahirap pa yun kesa sa College Algebra plus Chemistry plus Physics eh.

“Anthony, alam mo namang kagaya mo ay fragile si Ella. She’s not cancerous pero hindi niya kayang ma-keep ang sobrang stress sa katawan. Alam mo naman ang condition ng love life niya diba? Bumaba nga ulit yung platelets niya eh. Tapos pag namatay ka, ano nang mangyayari sa kanya? Remember when she slept for a month? That’s the worst thing that happened in my entire life kesa pa nung nakagat ako ng dalawang aso. Na bulldog pa. Pero kung si Ella ang problema, yun na ang pinakamahirap na equation na pedeng sagutin. Kaya please Anthony. Maintindihan mo sana. She needs to know. Wait, she has the right to know” - Darryl

“Kuya kasi… I love Ate Ella. Ayokong makita siyang umiiyak. Nakita ko nanaman siyang umiyak dahil sa Josh na yun. He’s not worth it”- Anthony

 Pasaway talaga itong batang toh. Ayaw talaga makinig!

Pinaliwanag ko nanaman sa kanya ang gusto kong mangyari. I want Ella to know. I’m her older brother. I know a lot about her compared to anyone in this world. Sila Mommy naman laging wala sa bahay. Kaya ako na lang ang takbuhan nilang tatlo. I left work because of Ella. I left because Anthony wants to see Ella. Why? He’ll die in three days.

2 months ago nalaman naming may tanning na ang buhay ni Anthony. That’s why we planned to go here. Gustong makita ni Anthony ang ate niya bago siya mamatay. Lahat na ng relatives namin nandito pero nilihim lang naman yun kay Ella baka kasi magtanong kung bakit nandito silang lahat. Ayun nga. Bale ang tanning ng buhay niya eh 1 month na lang. Tapos nabawasan pa ng isang linggo kaya 2 weeks na lang. At since matagal-tagal na kaming nandito, 3 days na lang. YET, she still doesn’t know. Hindi ko talaga kayang maglihim ng KAHIT ANO kay Ella.  Kahit siguro pati simpleng problema hindi ko matago. Kagaya na nga lang nung nawala yung pusa niya na nasa States hindi ko din matago sa kanya.

***

“KUYA! Asan si Anthony?” - Ella

“Si Anthony? Magkasama sila ni Jason eh. Nag-gagala” - Darryl

“Weh? Kaya ni Anthony mag-gala?”

“Ano ka ba! Tao din yun marunong mag-gala”

Ginulo ko naman yung buhok niya. Grabe, mamamatay na yata ako tuwing kasama ko si Ella. Ang bigat-bigat kasi ng kalooban ko eh.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now