Chapter Eleven

10K 179 3
                                    

Chapter Eleven.

Josh’s Part

Papasok na sana ako nang biglang sinabi nila Mama na wag na daw pumasok kasi may papag-usapan daw kami. Nag-tataka ako kung ano yung sasabihin nila sa akin. Weird, dati ayaw nila akong umabsent tapos ngayon hindi nila ako papapasukin? Pero dahil ayaw ko din namang pumasok, pumayag na lang ako.

Alam niyo kung anong pinag-usapan namin? WALA. Umalis silang lahat at ako lang ang naiwan sa bahay kasama yung mga katulong. Grabe sobrang walang magawa dito sa bahay. Makapanuod na nga lang ng TV. Sana naman may matinong palabas. Baka puro Barney lang at Dora ang mapapanuod ko. Tapos tinatamad pa ako manuod ng DVD.

“Ano kayang ginagawa nila ngayon sa school? Iniisip kaya ako ni Gabriella?”

 Sa totoo lang parang hindi ko na magagawa na lolokohin ko si Gabriella. Ang original plan kasi, papalabasin kong seryoso ako kay Gabriella pero sa bandang huli lolokohin ko lang siya. Paglalaruan ba? Ganun. Pero ngayon parang impossible na. Kasi kahit nag-dadate kami wala pa ding improvement sa relationship namin. Hindi ko nga alam kung friends na kami eh! Kaso, kung mag-babackout ako sa ginawa naming deal baka kung anong isipin nila. Chickboy ako noh. Hindi ako basta-basta papatalo dun sa babaeng yun.

Nakakainis nga eh. Tawag niya sa akin Linta. Ba’t naman ako naging Linta? Kasi dikit ako ng dikit sa kanya? Masama ba yun? Part nga yun ng plan eh. Tinutulungan ako nila Ivan na magkagusto sa akin si Gabriella. Pero ayaw nila na lolokohin ko siya. So, kampi na sila kay Gabriella? Sabi kasi nila matinong babae naman daw si Gabriella. Kaya desidido silang maging ‘kami’. Tingin ba nila mapapantayan ni Gabriella si Stefanie? HINDE. HINDENG HINDE.

Sobrang bagal ng oras pag wala kang ginagawa. Halos mapanuod ko na lahat ng gusto kong mapanuod kahit paulit-ulit lang pero ang bagal-bagal pa din ng oras.

Puntahan ko kaya si Gabriella sa bahay nila mamaya? Sige puntahan ko na lang. Paka-plastic daw ba? Pero kesa namang nag-mumukmok ako dito. Tapos wala pa si Ate Hannah. Wala tuloy akong makausap sa bahay.

Nag-laro muna ako pampalipas oras. Pag naglalaro kasi ako ng dota parang mas bumibilis yung takbo ng oras sa mundo ko. Nag-dota ako hanggang 1:45pm. Halos tatlong oras din akong nasa harap ng computer.

Pumunta na ako sa bahay ni Gabriella. Sana naman nandito na sila at wala akong balak mag-hintay sa kanila.

“Hello po. Kaibigan po ako ni Gabriella. Andiyan na po ba siya?” Po ako ng po. Pagalang-effect eh.

“Wala pa po sila Ma’am. Kung gusto niyo mag-hintay na lang po kayo sa loob” Pumasok na ako sa loob. Grabe ang yaman talaga nila Gabriella! Mas mayaman pa sila kesa sa amin eh.

Pinaghanda nila ako ng meryenda. WOW SARAP! Sosyal talaga tong si Gabriella. Mag-uutos na lang siya kung gusto niya kumain. Di tulad sa bahay. Kailangan pang sigawan bago sumunod.

5 minutes na lang uwian na. Hihintayin ko na lang sila.

After a few minutes…

30 minutes na! Pero wala pa din sila. “

Asan na ba yung mga yun? Ang tagal!!”

Nag-tiyaga pa ako maghintay ng 5 minutes. Sakto dumating sila Gabriella. Kasama nila sila Ivan. Sobrang saya nila. Porket wala ako? Ganun? Sige, malilintikan sa akin tong mga toh.

Aba mukhang gulat na gulat silang lahat. Buti na lang naisipan kong pumunta dito para naman malaman ko kung anong nagyari buong araw. Mamaya may nangyari na pa lang importante tapos hindi ko alam?

“Oh, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Lance sa akin. Hindi ba halata? Pogi points toh kay Gabriella!

“Wala lang. Masama bang pumunta dito? Kanina pa ako nag-hihintay! Ang tagal-tagal niyo” Sinabi ko yun ng pagalit para hindi halata na nandito ako for joke time lang.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon