Chapter Twenty One

9.5K 149 7
                                    

Chapter Twenty-One.

Josh’s Part

Nakaraos na din kami sa plano para sa birthday ni Ella. Paano ba naman kasi sila Ivan at Chloe     -___- Nagkatampuhan pa edi mas lalo kaming natagalan! Ang lapit lapit na nga ng August 16 tapos dun pa sila mag-aaway? Sa totoo lang, hindi naman talaga kami mag-dodota nung tumawag si Chloe. Sa katunayan nga ay nag-plaplano na kami. Gusto sana naming i-surprise si Chloe na may maganda na kaming plano. Eh siraulo tong si Ivan gagawa na nga lang ng palusot yung pangit pa! Edi ayun. Nagalit si Chloe. Grabe noh? Yun lang nagalit na siya. Sabagay... siguro nga napaka-importante para kay Chloe yung plano naming para kay Ella. PERO, mas importante naman to sa akin. Ako ata ang future boyfriend noh.

“Dapat kasi hinihintay niyo ako bago magplano eh! Aba malay kong excited kayo mag-meeting. Edi sana hindi na lang tayo natulog. Diretso meeting na agad” - Chloe

“IKAW KASI EH! Hindi mo ako pinapakinggan!!” - Ivan

“AKO PA NGAYON?! KAYO NGA DI MARUNONG MAKI-SHARE!!!” - Chloe

Nako, nag-simula nanaman sila. -__- Wala ngayon si Ella pumunta siya sa bahay ng Tita niya. Dun daw muna siya mag-stastay. Buti na lang naisipan niyang gawin yun. Para naman hindi kami laging sa bahay nag-memeeting. Na-gugulo yung buong bahay pag andun sila Ivan eh. Kalikut dito kalikut diyan. Nakakabadtrip nga eh.

“TAMA NA NGA YAN! Ang iingay niyo! MAS MABUTI PANG MAG-PLANO NA LANG KESA NAG-TATALO PA KAYO DIYAN!” - Gabriel

“Tsaka sandali na lang birthday na ni Ella. Kaya kailangan na kailangan nating mag-cooperate”       - Lance

“FINE! Teka alam niyo na ba kung anong mangyayari sa birthday ni Ella?” - Chloe

“Malamang hinde”- Josh

“Galing mo talaga Josh. Magaling sa pag-pipilosopo. Okay enough with that. Ganito kasi yun, sa isang five star hotel magaganap ang birthday. Sobrang higpit din ng security dun kasi most ng presidents ng iba’t ibang countries ay pupunta. Kaya expect niyo na bawat floor ay hindi bababa sa 40 guards. Formal ang attire. Kaya pag nag-shorts o t-shirt kayo automatically kayong itatapon sa labas” - Chloe

“Sobrang strict naman. Teka, ano bang color ang suot ni Ella? Para materno natin sa suot ni Josh” - Dennis

“OO NGA NOH! Magandang idea yun. Anong kulay ba Chloe?” - Ivan

“If I’m not mistaken... color white ang suotin niya. Madali lang makahanap ng tuxedo na white. Haluan na din natin ng kunting black ang susuotin ni Josh. Baka mag-mukha siyang multo pag pure white lang”- Chloe

“Ikaw na din bang bahala dun?” - Josh

“OF COURSE! Nakapag-order na din ako ng couple necklace. Darating yun ng mga August 15 para brand new na brand new! So don’t worry. I got it covered!” - Chloe

Buti na lang kasama namin si Chloe. Halos siya na nga mag-aasikaso sa lahat eh. Siya na bibili ng necklace, siya pa bibili ng tuxedo ko. Grabe, nakakahiya naman to. Kalalaki kong tao ako pa ang nagpapalibre.

“Kung nahuhurt man ang pride mo, Josh kasi ako na lahat bibili, no need for that. It’s for the sake of my best friend’s birthday” - Chloe

Paminsan pumapasok talaga sa isip ko na may lahing physic si Chloe. Lagi niya kasing nababasa yung nasa isip ko. Ganun ba talagang kadaling basahin ang gusto kong sabihin?

“Ha? Hindi ah. Pero nakakahiya lang kasi sayo”

“STOP! Buti pa, samahan mo na lang ako sa isang fashion designer mamaya. Para masukatan ka na at mapagawa na yung tuxedo mo. Kesa nag-iinarte ka diyan”

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن