Chapter 3

3.9K 104 1
                                    


( Tam's POV )

"Good morning Nanay Linda."

"Tam, ikaw pala. Ang aga mo naman ata ngayon."

"Hindi po kasi ako napuyat kagabi dahil maaga ako natulog. Nakapaghain na po ba kayo Nay?"

"Ay katatapos lang. Magluluto pa sana ako ng ulam eh."

"Wag na po Nay, May dala ho akong sinigang na baboy, nagluto ho kasi ako kanina pagkagising ko, dinamihan ko na para dalhin rito."

"Ganun ba? Mabuti naman. Magugustuhan yan ni Trace, isa sa paborito niya yan."

As in? Sa mahigit isang buwang pagtratrabaho ko sa kanya, may pa unti-unti akong nalalaman tungkol sa buhay niya.

"Talaga po? Sana nga magustuhan niya. Namimili pa naman yun ng lasa."

Sobrang pihikan yun sa kahit anong bagay eh. Ang hirap paligayahin. Hmp! Pag di na magustuhan tong niluto ko hindi na talaga ako magluluto para sa kanya.

Dinala ni Nanay Linda ang dala kong ulam sa kusina at inilagay sa lamesa tsaka kumuha ng kutsara at maliit na bowl at tinikman.

Humigop siya ng sabaw, at humigop ulit at paulit-ulit.

"Iha, ang sarap mo palang magluto. Bagay na bagay kayo ni Trace, maganda kana ang galing pa magluto. Perpeyk hauswayp kumbaga."

"Nanay! Wag kayong magsalita ng ganyan. Nakakahiya baka may makarinig."

Shit! Ako? Perpeyk hauswayp ni Trace? Ayy tang'na! Hindi talaga perfect kasi pati pagsasalita maling-mali.

"Bakit ka nahihiya? Gwapo naman ang alaga ko ah. Pakiramdam ko nga may gusto rin sayo yun. Iba ang titig sayo eh."

Titig? Tinititigan ako ng amo ko nang hindi ko namamalayan? Kung sakaling matandang hukluban ang amo ko baka nangilabot na ako sa takot pero ngayon!
Shit! Bakit parang kinikilig ako? Pero di nga, tumitig talaga siya sakin?

"Nay, hindi niya pa po ako natitigan. Kung tumitig na pala sa akin yun, dapat nahulog nayon sa kagandahan ko. Eh walang naman ata akong epekto sa kanya. Tsaka wag niyo po akong paasahin Nay, maawa kayo nakakamatay ang umasa."

Tumawa si Nanay Linda sa sinabi ko.

"Oh siya sige hindi na. Gisingin mo nalang yung amo natin baka mahuli kayo."

"Kayo nalang po. Hindi pa po ako nakakapunta dun sa kwarto niya eh. Tsaka ayaw ko ho."

Natakot ako eh. Baka mamaya may babae siyang kasama. Mapagalitan pa ako. Mainitin  pa naman masyado ang ulo non.

"Sige na. Baka pag sakaling ikaw ang unang nakikita niya tatayo siya agad. Alam mo namang ang hirap gisingin non."

Tama! Isa pa yan sa pinaka ayaw ko eh. Ang hirap niyang gisingin. Pag ginigising siya ni Nanay Linda sasabihin niya '5 more minutes Nay'. Pagkatapos ng limang minuto. Babalikan ulit at sasabihin niya ulit '5 more minutes Nay' kahit pa sabihing natapos na. Hanggang ang 5 minutes magiging 30 or 40 minutes. Tsaka ang tagal lumabas ng banyo. Daig pa ang babae kung maligo eh.

"Bakit nga pala hindi siya maagang gumising ngayon Nay? "

"Asus! Kailan ba yan maagang nagising?"

"Tama nga naman. Sige ho, gigisingin ko na."

Pumunta ako sa kwarto ni Trace. First time ito ngayon na ako ang gigising sa kanya. Si Nanay Linda kasi gumigising sa kanya. At kailangan talagang pasukin siya sa kwarto niya dahil hindi naman siya tatayo kung sa labas lang kami kakatok.

The Billionaire's Possession Where stories live. Discover now