Chapter 28

1.8K 53 2
                                    

"Let's get wasted tonight." Nangingiting sabi ni Alexia at inakbayan ako.

"Seriously, Alle?" Nakataas ang kilay ni Randhall sa kapatid.

"Urgh! Pwede ba, Rand..wag ka ngang manira ng trip." Inis na sabi ni Alexia.

Napahinto sina Clay at Ava ng naunang lumabas ang mga lalaki.

"Wait, sama-sama ba tayong mag ba-bar?"

Tumango ako.

"Oh gosh! Parang gusto kung mag back-out. Masisira lang ang gabi natin." Nakanguso si Raven.

Kanya-kanyang kuha ng sasakyan ang mga lalaki habang sina Clay ay hindi pa kumbinsidong tama ang night out kapag kasama ang mga boys.

Napaisip nga rin ako. Ang weird lang naman nun. Panu kaya kami mag-eenjoy  kung mga kapatid na lalaki ang kasama namin. Parang ang awkward kaya nun.

"Ano pang hinihintay niyo diyan. Tara na nang makarami." Nakakunot ang noo ni Jericho samin.

"Mauna nalang kayo. Susunod nalang kami. " naguguluhang sagot ni Nath.

"What the hell?" Naguguluhan narin ang mga boys kaya nagsilabasan sila sa sasakyan.

"Anong problema babe?" Nilapitan ako ni Trace.

Umiling ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin. Okay lang naman kasi sakin na kasama sila kasi kasama rin naman si Trace.

"Sabay tayong lalakad." Matigas na sabi ni Kuya.

"Come on! How do we suppose to enjoy kung kasama namin kayo? " nakangusong sabi ni ate Raven.

"What's wrong with having us around?" Usisa pa ni Jericho.

Binatukan siya ni Clay.

"This is why I hate clubbing with you, remember? We can't do first base dahil nakabantay kayo. Samantalang kayo balewala lang naman samin kahit na sinu-sinong babae ang i-home run niyo."

Napailing ako sa choice of words ni Clay.

"Fine. Let's meet at the Beat. Dun lang kami. " nabuburyong sabi ni Kuya.

Ngumisi naman ang mga impakta kung pinsan. Nagbunyi ang kalooban nila.

"How 'bout you, T? San ka sasama?"

Napatingin silang lahat samin.

Oo nga pala. Gusto ko rin namang makasama ang mga girls kasi panigurado matagal pa ulit bago magkayayaan.

"I'll let Naya decide."

"H-huh? Ahh. Sama ka nalang kina Kuya. Gusto kung makabonding sila Clay. "

Ngumiti siya at yumakap sabay halik sa noo ko.

"Alright. Let's go."

Apat na kotse lahat ang gamit namin.

Magkasama kami ni Ate Raven sa kotse ni Clay.

Sila Alexia at Ava naman ang kasama ni Nath.

"That was hardcore!" Hiyaw ni Ava ng  makalapit na samin si Clay.

She dance so well. And she's right, tama lang talaga na wala ang mga lalaki. Dahil malamang makikipagsapakan sila sa mga kasayaw ni Clay kung sakali.

Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa bar kaya nanatili ako sa counter kasama si Clay ng magyayang sumayaw sina Nath.

"Hey, easy." Nabigla ako ng diretso at sunod-sunod niyang nilagok ang tatlong baso ng alak.

Ngumiti siya ng mapakla. "I'm okay."

The Billionaire's Possession Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum