Chapter 45

1.8K 69 2
                                    

Buong linggo akong busy dahil sa mga kailangan ayusin sa kompanya. I have to focus on Dad's project kahit na labag sa kalooban kung makasama si T.

"Okay na ba lahat? Kung hindi pa, wag ka nang mag-alala kaya ko na yan." Seve said walking towards me.

"I know. Ikaw pa. Ikaw kaya nagturo sakin paano gagawin lahat." Totoo yun. Sila naman talagang dalawa ni Steven kaso kadalasan talaga siya kasi sobrang busy nung isa.

"Yeah. Whatever. Good luck to your upcoming project."

"Yeah. Thank you, Seve hah. Sa laki ng utang na loob ko sayo hindi ko alam kun paano pa kita mababayaran." he chuckled.

"Just be happy. I have always wanted you to be happy, sister."

Niyakap ko siya. Tumawa lang siya.

"Thank you for treating me like your real sister." Ginulo niya yung buhok ko kaya tinulak ko siya.

"Of course. Nag lunch kana ba? Tapos na ako eh. Kumain ka muna." sabi niya tapos hinila ako palabas ng office.

He closed the door pero bago paman ako makaalis sumungaw na siya sa pinto. "Yellowcab! Haha"

Natawa akong umalis. Mukhang pizza talaga ang isang yun.

I went straight to a fastfood kahit alam kong matatagalan ako. Seve's in the office so I have nothing to worry about. Minsan lang ako kumakain sa fastfood at minsan kapag kasama ko lang ang anak ko. Steven's idea of fast food meals are not so healthy daw.

Matapos ang ilang minutong nakalinya ako ay nakaorder narin ako. Kahit maraming tao ay nakahanap parin ako ng pwesto sa pinakadulo at pinakagilid.

"Do you mind?" mukha ni Trace na nakabitbit ng tray ang nasa harap ko.

I'm stunned. Kaya hindi ako agad naka pag-react. "Anong ginagawa mo dito?" sabi ko matapos makabawi sa gulat dahil sa presensya niya.

"Lunch. Can I sit? Mukhang wala ka namang kasama."

Ayoko nga. Ako kaya ang nauna dito. Panira ka talaga ng araw! "ahh, oo. wala akong kasama."

Umupo siya at tinitigan ako. Tinaasan ko siya ng kilay at tinirikan nang mata.

Ang sarap niya talagang tirisin. Bakit kelangan na magkita at magkasabay pa kaming mag lunch dito? Hayst! Hindi talaga healthy ang fast food! My god! Of all places why here? Kainis!

"Titigan mo nalang ba ako? Wala kabang balak kumain?"

He chuckled. "This is one of those rarest chance. I can't bear to lose it."

Automatic na umikot ang mga mata ko. "I'll eat with you. Hintayin natin yung order mo." he added.

Gosh. Kapag kasama ko siya umiikli ang pasensya ko paano nalang kapag magkasama kami sa project. Ngayon palang namomroblema na ako.

"Seryoso, bakit ka andito? Ang layo nito sa office mo." tanong ko ng mahatid ang order ko. Masyadong awkward sa pakiramdam na nakatitig lang siya sakin.

"I came to see you. Hindi kasi tayo masyadong nagkausap nung nakaraan." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"We don't have nothing to talk about, if it's all about the project, we're done with it last week."

He stopped eating. "Gusto lang talaga kitang makita." and then he resumed.

"Your unbelievable. How did you know I'm here?" tanong ko bago sumubo.

"I ask Seve." bigla akong napaubo kaya inabutan niya ako nang tubig.

"Nababaliw kana ba?"

"Matagal na akong baliw. Simula pa nung una kitang makita."

The Billionaire's Possession Where stories live. Discover now