Chapter 27

1.7K 44 0
                                    


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay sa labas. It's a little late already dahil bumabawi ako ng tulog. Late akong nakatulog kagabi dahil sinipon ako. Sumakit kasi ang ulo ko kagabi after dinner. Kaya siguro nagka-colds ako kagabi dahil sa pagbabad namin sa ulan.

Bumangon ako at nagshower.

"Naligo ka?"

"Ay kabayo!" Napatalon tuloy ako sa gulat. "Nath, naman! Aatakihin ako sayo eh."

Tumawa siya.

"Masyado ka kasing magulatin. Ba't ka naligo? Okay naba pakiramdam mo?"

"Yeah." Sagot ko habang nagbibihis. "Thanks for the soup. Malaking tulong."

Dinalhan niya kasi ako ng soup kagabi bago matulog.

"Naah. It's a'right. Anyway, may makikigulo raw."

Tiningnan ko siya.

"May dumating."

"Kaya pala ang ingay. Sino?"

"Malalaman mo pagbaba natin."

Tumawa ako.

"Grabi. Bawal sabihin?"

Nakangiti siyang nakatitig sakin habang nagsusuklay ako. Nailang tuloy ako.

"Bakit? May gusto kabang sabihin?"

Napailing siya at kinuha ang suklay sa kamay ko.

"Ako na. Sorry Ate huh. Pag naiisip ko talaga nagiguilty ako ng sobra. Ang immature kasi."

I smiled at her.

"Stop worrying about it already. Its okay. No one blame you, Nath. I hope you'd stop feeling guilty. "

She nodded and hug me. "Let's go. Baba na tayo. You still have to eat breakfast."

"Naya!"

"Jericho! How are you?"

"Better." He said smiling. "Anyway, talk to you later, may kukunin lang ako sa room ni Nathan."

Tumango ako at nilagpasan na siya pababa ng hagdanan.

Kung andito si Jericho, I'm sure andito rin si Clay. They're inseparable. Bagay silang maging twins.

"Hi, Naya. Kumusta ka na?" Nakangiting mukha ni Randhall ang lumapit at yumakap sakin.

"Hi, Rand. I'm good....—"

"Naya? My god! Namiss kita!" Clay exaggeratedly reacts when she saw me.

"Grabe sis, ang OA mo." Sabat ni Jericho na kabababa lang.

Aside from Lexus and Mainty andito lahat ang pinsan ko.

At ang ingay nila!

"Let's do bar hopping mamayang gabi. Tutal naman kumpleto tayo." Suggest ni Alexia.

"Oo nga, tapos mag ma-malling tayo bukas." Dagdag ni Ava.

"Ang hilig niyo talaga sa bar no? Naubusan naba kayo ng alak sa bahay? Pilosopong sagot ni Randhall.

Pinalo siya ng mga kapatid niya.

"That fucking hurts!" Reklamo niya na inirapan lang ng dalawa.

"Kung saan gusto ni Naya dun tayo." Clay simply said and look at me.

"Actually, parang gusto kung kumain muna." I shyly said.

"Wala kapang breakfast?"

"Yeah. Late na kasi ako gumising. Late na kasi akong nakatulog dahil nagka colds ako kagabi."

The Billionaire's Possession Where stories live. Discover now