Chapter 4

3.8K 94 0
                                    


3 days na simula nung umalis ako sa trabaho. At namimiss ko na siya. Miss ko na nang pagmasdan yung galaw niya, miss ko nang pagtripan siya kapag binuburyo niya ang sarili niya sa trabaho at miss ko na yung ngiti niya. Miss ko na rin mukha niya at pati yata abs niya miss ko na rin.

Pero sadyang hanggang miss lang ako nito.

Siya kaya? Naaalala niya pa kaya ako?

Wag kang umasa bruha!

Parang naririnig ko tuloy si Ella na pinagsasabihan ako. Dakilang tao kasi yun pagdating sa pag-ibig. Maraming experience kumbaga. Hindi niya parin pala alam na wala akong trabaho. For sure, hindi na naman maubos-ubos ang pangaral sakin nun.
Hindi ko muna sasabihin. Saka na pag nagtanong siya.

Nanonood ako ng TV ng biglang tumunog ang cp ko. Tinignan ko kung sino at ganun nalang ang tuwa ko ng makitang si Trace ang tumawag.

"Hello? Sino to?" Dapat niyang malaman na wala na akong paki sa kanya kahit na ang totoo ay parang nagliliparan ang mga paru-paro sa paningin ko dahil bigla siyang tumawag.

"Tam? Si Josh to, alala mo?"

Si Josh, isa kaibigan ni Trace. Nakilala ko siya kasabay sina Dark at Miguel sa bar mismo ni Dark nung sinama ako ni Trace a week after he hired me. Parang kailan lang tapos ngayon tapos na ang trabaho. Nakaka-gaga talaga.

"Oh bakit? Kanino bang number to?"

Nakaka disappoint kasi akala ko si Trace.

"Sa baliw mong amo."

"Kay Trace?" Maang-maangan pa more. "Bakit nasayo? At bakit ka napatawag?"

"Lasing eh. Puntahan mo kasi, hinanap ka. Andito kami sa dati. Dalian mo. Nagwawala eh."

Oh my Goodness Gracious! Hinanap ako ni Trace. Shit!

Pero teka nga! Magpapabebe muna ako. Bahala siya.

"At bakit niya ako hinahanap? Hindi na ako nagtratrabaho sa kanya. At ano bang ginagawa ng mga malalaking katawan niyo kung hindi niyo siya kayang pigilan pag nagwawala."

"Eh ikaw hinahanap eh. Tsaka nanununtok ang gago. Puntahan mo nalang kasi. Dali na. Bye!"

Aba't! Lang hiya talaga.

Hindi ako pupunta. Bahala siya ron. Bahala sila. Hindi talaga ako pupunta!

Agad akong tumayo kinuha ang purse ko at umalis. Not minding my attire.
Buti nalang at saktong may napadaan na Taxi sa harapan ko.

Pagdating ko sa bar agad akong pumasok.

I was welcomed with a hard core sound na parang mababasag ang eardrums mo, palibhasa lumalalim na ang gabi. Amoy ng alak at sigarilyo at nagkalat kahit saan ka tumingin. 

Pumunta ako sa VIP lounge dahil nakita ko sila pagkapasok ko.

Shit! Kaya pala ang lagkit at ang laswa ng tingin ng mga hinayupak na lumilingon sakin. Ngayon ko lang narealize ang suot ko.
Nakasuot lang naman ako ng luosy na blouse na bahagyang kita ang cleavage ko at short shorts na pinarisan ng flipflops. Typical house wear kumbaga.

Napasipol pa si Miguel nang nakita niyang palapit ako. Sa kanilang apat itong si Miguel ang playboy. Kaliwa't kanan ang babae. Si Dark yung tipong one-woman man at man of few words. Si Josh ang corny, mababaw, mapagbiro kaya medyo close kami. Ang lakas nya kasi mang trip at bolero rin siya. Si Trace namn yung seryoso pero nasa loob ang kulo. Kung hindi kayo malapit hindi mo siya maiintindihan. Ang hirap talagang espelingin.

"Hi sexy!" -Miguel. Inirapan ko lang siya at ang kumag tumawa lang.

"Don't wear like that again in here baby, mahirap na baka mapaaway kami."

The Billionaire's Possession Where stories live. Discover now