Chapter 14

2.4K 81 0
                                    


"Babe? Are you crying?" Napapitlag ako ng marinig ang tinig ni Trace.

Para akong literal na binuhusan ng malamig na tubig ng bigla niya akong yakapin at iharap sa kanya.

"Tam? What happened? What's wrong?" Nag aalala niyang sambit habang pinapahiran ang luha ko.

Hindi ko naman pwedeng ideny dahil kitang kita niyang namumugto ang mga mata ko.

Tumayo ako at lumayo sa kanya.

"Sino sa Naya?" Mahina ngunit klarong pagkakasabi ko sa kanya.

"Panu mo nalaman?" Nalilitong tanong niya.

"It doesn't matter anymore! Sabihin mo nga mahal mo ba ako bilang ako o mahal mo ako dahil kamukha ko ang babae mo?" Nahihirapan kong sambit at lumayo sa kanya dahil palapit siya ng palapit sakin.

"Tam, it's not what you think." Nahihirapang sambit niya habang hinuhuli ang mga tingin ko.

"At ano ang gusto mong isipin ko Trace?" Tinitigan ko siya nang buong hinanakit.

"Niloko mo na ako! Ginawa mo pa akong tanga! Ano ba ang kasalanan ko sayo hah?" I added.

"Baby, let me explain please."

"At ano ang sasabihin mo? Na walang kayo? Eh ano yung mga nabasa ko? Ikaw mismo nagsulat non! Idedeny mo pa? Ano maglolokohan paba tayo Trace?"  Hindi ko alintana ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko dahil mas iniintindi ko ang sakit na halos humahati sa kaluluwa ko.

Kinuha ko ang bag ko at sinuot ang aviator dahil alam kong magtataka ang kung sino man ang makakita sakin lalo na sa mata ko.

Bwisit na bwisit ako dahil ang sakit!

Ang sakit maloko!

Ang tanga ko para isiping kaya niyang mahalin ang katulad ko.

Ang sakit!

Nakarating ako sa bahay at ni anino ni Trace ay wala akong nakita!

Ibig sabihin totoo lahat ng mga sinabi ko sa kanya. Ni hindi man lang nag sorry. Hindi niya man lang sinubukang iexplain kahit ayaw ko! Hindi man niya lang ako sinundan at sinuyo!

Nakakainis siya. I hate him!

Dahil sa nagwawalang galit sa puso ko, hindi ko namalayang nahulog pala ang litrato namin nila Tatay at Nanay.

"Tsk! Nagpaloko ka kasi!" Sambat ko sa sarili ko kahit malabo na ang paningin ko dahil sa luha na wala atang balak tumigil sa pagtulo.

When I entered into this relationship I never expected this. I knew I would get hurt but not this way.

This is way worse than what I expected. I guess some things are going to happen unexpectedly.

After all its true. Expect the unexpected.

Did I lost control on our relationship? Can I blame the fate for being a bitch now? I hope I can. Mas matatanggap ko yun.

But now, hindi ko alam dahil hindi ko kilala kung sino ang kaagaw ko.

Yes I know her by name pero hindi sapat yun! Paano ko kakalabanin ang taong hindi ko nga alam kong buhay o patay na! Kahit saan tignan, alam kong talo ako.

Pag-aari ko nga si Trace pero siya ang pag-aari ni Trace at hindi ako.

Kinuha ko ang isang bagay na nagpapa alala sakin kong sino talaga ako. Itinaas ko ang kwintas na kulay ginto.

NTES.

Ano kaya ang ibig sabihin nitong nakaukit na letra sa kwintas ko. Ngayon ko lang rin napansin na may nakaukit pala.

The Billionaire's Possession Where stories live. Discover now