Chapter 16

2.3K 61 0
                                    


" For you." Inabot niya sakin ang  flowers.

"Thank you." Nahihiyang sabi ko at tumungo.

"Aherm!" Napapitlag ako ng biglang tumikhim si Kuya. "Magtitigan nalang ba kayo dalawa dyan? Wala ba kayong sasabihin sa isa't isa?" Dagdag niya pa.

Napailing nalang ako sa kanya. Tinignan ko sya at pinandilatan ng mata. Ang mokong tinawanan lang ako.

"May I borrow her for a while guys. I have a lot of explaining to do." Walang prenong sabi ni Trace sa mga pinsan ko.

Tumawa sila at nang-aasar dahil sa 'explaining' na sabi ni Trace.

Hinawakan ako ni Trace at dinala sa flower garden ni Mommy.

Pinaupo niya ako habang nakatayo siya at nakatitig sakin.

Damn! Mabuti nalang pala at gabi na dahil paniguradong pulang pula ang mukha ko ngayon.

"Baby..." Napaangat ako ng tingin sa kanya.

I feel erotic! Ewan! Nag-iinit ang buong katawan ko sa titig niya.

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at dinama ang mukha ko.

Parang may nagliliparang paru-paro sa loob ng tiyan ko dahil sa kilig.

Hindi ko maiwasang titigan ang maamo niyang mukha. Ang mga matang saking titig lang bumibigay. Ang matangos niyang ilong na parang hinulma dahil sa sobrang perpekto. Ang makinis niyang mukha. Ang mga matatamis niyang labi.

Napalunok ako ng pinasadahan ng dila niya ang mga labi niya tila ba nag-aanyaya na halikan.

Napa-atras ako ng biglang dumukwang siya para sa halikan ako.

"Y-you've got a lot of explaining to do." Pikit mata kong sabi dahil parang may humahabol sa hininga ko.

Naramdaman kong tumayo siya kaya minulat ko ang mata ko.

"Damn it! I almost forgot." Napakamot pa siya sa ulo niya.

Para akong natauhan sa nangyari kaya naglakas loob akong tumingin sa kanya.

He looked at me intently kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Come on! Don't look at me like that babe." Sabi niya at umupo sa katapat ng upoan ko.

Umirap ako sa kanya.

"Start your explanation. I only have 10 minutes minus 5 minutes dahil kanina pa ako dito, so 5 minutes will do."

Pinigilan ko ang sariling matawa ng makita ko siyang nakatingin sakin with a 'are you serious?' look.

"I'm dead serious Trace." Taas kilay kong sabi sa kanya.

Napakunot ang noo niya sakin but he didn't say any words.

He just remain staring at me. I'm beginning to feel awkward.

"Come on! Wala ka bang sasabihin? Malapit na maubos ang 5 minutes mo oh!" Palatak kong sabi nang mapansing wala talaga siyang planung magsalita.

"Shh! I would rather stare at you for the whole 5 minutes than talk."

Napaayos ako ng upo sa sinabi niya at tumikhim dahil parang may bumabara sa lalamunan ko.

The side of his lips slightly arched when he saw that I'm nervous!

He didn't even bother to blink his eye!

Damn this dangerous arrogant man!

Akma na akong tatayo nang biglang hinawakan niya ang kamay ko. I suddenly felt electrifying volts flow over my body.

The Billionaire's Possession On viuen les histories. Descobreix ara