Chapter 13

2.6K 78 0
                                    


"Asan na kayo? Ang tagal niyo hah!" Singhal ni Ella sa kung sino man ang nasa kabilang linya.

Nandito silang dalawa ni Helly sa bahay para tulungan akong mag-ayos.

Ngayon ang oath taking ko at plano nilang lahat na sumama. Pati si Dark ay hindi nagpahuli.

"You look gorgeous Bes! Bagay na bagay nga kayo ni Trace." Ella exclaimed with happiness.

"Oo nga Ate. Ang ganda ganda mo." Gatong naman ni Helly sa sinasabi ni Ella.

Bumati silang lahat nang makarating kami sa bahay. Apat na kotse ang gamit nila.

Kay Trace ako sumabay, si Ella at si Helly ay kay Dark. Si Josh ay sa kotse ni Miguel habang sina Chad, Rafa, and Cloud ay kay Caleb sumakay.

"You look stunning babe." Sabi ni Trace habang binabaybay namin ang papunta sa San Antonio University.

"T-thank you."

Pakiramdam ko nagka buhol-buhol ang paghinga ko ng maramdaman ang init na pagtitig niya sakin.

I can smell his sweet perfume that knocks me out far away from reality every time I can sense it.

"Focus on driving Trace. Baka mabangga tayo niyang kakatingin mo sakin." Nahihiya kong sabi dahil parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

He chuckled. Ang tawang niyang bumubuo sa lahat ng araw ko. Ang tawang yumayakap sa buong pagkatao ko.

"Bakit? Ayaw mo bang tinitigan kita?"

Oh come on! Anong gusto mo magtitigan tayo buong araw!

"That's not what I meant! Nagdadrive ka kaya." Napanguso kong sabi.

"Stop pouting Babe baka mahalikan kita ng wala sa oras."

"Eh di halikan mo." Wala sa sarili kong sabi.

Oh damn it Tam!

"What?"

Parang bumalik ako sa katinuan ng magsalita siya ulit kaya tumikhim muna ako bago magsalita.

"Sabi ko focus sa pagmamaneho."

The side of his lips slightly arched nang makita niyang natataranta ako.

Damn it Tam!

"I thought I heard you say something else..."

Inirapan ko siya kahit ang hirap gawin dahil sa kabang nararamdaman ko.

"W-wala kaya..." I murmured.

Hindi ako nakapag reklamo nang bigla nang itinabi sa kalsada ang kotse niya.

"What are you doing?" Nagtataka kong tanong sa kanya dahil pati sina Dark na kasunod namin ay huminto rin.

"I just need to give this..." Bigla niyang tinawid ang pagitan namin.

The next thing I know, his soft lips were on mine. He move passionately just enough not to to erase my lipstick.

I stopped his kisses dahil baka saan kami marating. I smiled sweetly at him kahit na namumula ang mukha na parang kamatis!

Wala sa sariling napakagat ako sa labi ko dahil hindi niya pa ako nilulubayan ng titig.

"Stop biting your lips babe baka ibalik kita sa condo at hindi na tayo maka attend sa oath taking mo."

Damn it Tam!

"Trace!"

Humalakhak lang siya habang nagmamaneho. Damn him!

The Billionaire's Possession Where stories live. Discover now