Chapter 8

3.2K 82 2
                                    

"Bruha!"

Agad kung tinawagan si Ella nang makapasok ako sa bahay dahil pakiramdam ko sasabog ako sa nalaman ko.

Totoo kaya? Malaking kasiyahan na sakin ang malamang special ako kay Trace. Hindi ako makapaniwala kasi kahit alam kong maganda ako parang imposibleng bigyang pansin niya ako.

"May gusto siya sakin beh! My god!"

"Ano? Sino? Yung fafa mo?"

"Sino pa ba? 'to naman eh!"

"Panu beh? Kwentu ka dali!"

"Punta ka nalang dito sa bahay bruha dahil wala na akong load. Expire na. Balance ang tinawag ko."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Marami ka nang pera ngayon nauubusan ka pa rin ng load! Hahahah! Sige punta na ako dyan. Bye!"

Gaga talaga, siya pa ang tumapos sa tawag ko. Excited yun malamang.

***

"Beeeehh!"

"Bruha, bakit kaba sumisigaw?"

"Kwento ka dali!"

Kaloka! Ni hindi pa nga siya umupo eh. Humihingal pa oh, akala mo hinabol ng aso.

"Maupo ka kaya muna o kaya uminom ka ng tubig! Jusko! Para kang hinahabol ng aso."

Pumunta siya sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.

"Hihihi. Pasensya na. Naexcite ako sayo eh. Sige na. Kwento ka na."

"Sabi ni Josh, like daw ako ni Trace. Special daw ako sa kanya."

"Naniwala ka?" Tumango ako. "Tanga ka rin beh. Sure ka na totoo ang sinabi nun? Eh kung gawa-gawa lang 'di umasa kapa."

Ibinato ko sa kanya ang hawak-hawak kung unan. Tatawa-tawa lang siya.

"Bruha! 'Di naman ganun si Josh. Bolero 'yun pero hindi sinungaling." Nakasimangot kong tugon sa kanya.

"Oh sige. Andyan na tayo sa 'like stage', tapos ano na? Maghihintay kang siya ang unang kikilos?"

Alangan namang ako ang unang kikilos. Hello! Kaya nga hanggang ngayon walang kami diba dahil ayokong maging sex buddy lang niya.
Gusto ko pang matagalan.

Tinignan ko lang siyang mabuti nang nakasimangot. Wala akong maisagot eh. Tadtad na naman ako sa seremonyas niya pag sasabihin kong 'oo'.

"Alam mo beh, sa panahon ngayon hindi na uso ang yakap-yakap ng kunti tapos halik-halikan ng konti. Alam mo kung ano?" Kunot-noong tinignan ko siya. "Sex tapos i-blowjob mo!"

"What!???"

What the Fuck! Kung may kinakain ako ngayon malamang nabulunan na ako. Seryoso ba siya? Muntik pa siyang mahulog sa upuan dahil sa reaction ko.

"Bruha ka! Ikaw lang ang ganyan sa mga kakilala ko ah! Bakit ka ba ganyan hah!?"

Hindi ko naman siya masisi kasi nung college kami lahat ng classmates ko kapag breaktime sex ang usapan. Sabi nila kapag 18 kana dapat naexperience mo na kasi nga yung iba 15 palang nakuha na. Palagay ko kasi hindi naman tama yun. At hindi karera ang pagpapa 'devirginized' noh! Kaya nga sa edad kung 21 eh never been touch pa talaga.

"Sige na nga, Panu ba? Ano bang gagawin?" Sakay ko sa kanya kasi kung hindi, hindi rin siya titigil sa kakangawa.

"Turuan kitang mag-blowjob."

"Anoo?" Ang lawak ng ngisi niya halos umabot sa tenga. Ang saya-saya niya sa ginagawa niya.

Hesus Maryusep! Paano ko ba 'to naging kaibigan? Bagay din pala siya kina Miguel at Josh eh. Daming kabalbalang alam!

The Billionaire's Possession Where stories live. Discover now